Kamelyo at Kapihan, ni Arjen Duinker

Salin ng “Gedicht voor een kameel” [Tula para sa Kamelyo], “Waar dan Ook” [Saanmang Pook], at “Ambitie” [Pangarap] ni Arjen Duinker, at batay sa bersiyong Ingles nina Willem Groenewegen at Ana Rilke. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TULA PARA SA KAMELYO Búkas ang araw ng mumunting bagay, ng aspile at ng pinturang [...]

Apoy at Ibong Pinalayas, ni Mazisi Kunene

Salin ng “Izinkondlo Zemililo” [Mga Tulang Sinilaban] at “Imbono Yasekudingisweni” [Pagbabalik ng Ibong Pinalayas] ni Mazisi Kunene, batay sa bersiyong Ingles ni Vusi Mchunu. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. MGA TULANG SINILABAN Susundan kita nang hindi mo nakikita papaloob Sa mga sagradong malig pababa sa bituka Ng lupang naglilihim ng lumiliyab mong [...]

Taglamig, ni Miroslav Válek

Salin ng tulang “Zima” ni Miroslav Válek mula sa wikang Slovak. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TAGLAMIG Lahat ay malinis at maputi kapag taglamig. May niyebe at kaputian sa paligid, hanggang ito’y magpakirot. Sinusuyod ng taglamig ang saluysoy ng tinig nito. Hinahagupit nang matalas ng bagyo ang mga punò, at sa kalooban [...]

Landas ng Babaeng Minamahal, ni Carlos Barbarito

Salin ng tulang “Tao de la mujer amada” ni Carlos Barbarito. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. LANDAS NG BABAENG MINAMAHAL 1 Babae: misteryo at pinto. 2 Hindi siya kinakagat ng mga putakti at ahas, hindi siya kinakalmot ng maiilap na hayop, hindi siya dinaragit ng mga ibong malulupit. 3 Malalambot na buto, [...]

Hudas at Kalayaan, ni Dimitar Lengechev

Mga tula ni Dimitar Lengechev mula sa wikang Bulgarian Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo, batay sa bersiyong Ingles ni Khristo Poshtakov. APOKRIPA PARA KAY HUDAS Naririto ang aking mga alagad, ngunit lingid sa akin kung sino si Hudas. Naririto ang aking mga alagad, ngunit may isang nagtaksil sa akin. Wala ni isang [...]

Konserbatismo at Patriyotismo sa 2010 Talaang Ginto

(Ang sumusunod ay kritika ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario sa nakaraang timpalak pampanitikan ng Talaang Ginto, at maaaring makatulong sa mga guro at estudyante na pawang nag-aaral ng tugma at sukat sa katutubong tula, bukod sa pagbubuo ng balangkas at talinghaga. ) KONSERBATISMO AT PATRIYOTISMO SA 2010 TALAANG  GINTO ni Virgilio S. [...]

Gubat at Langaw, ni Eliot Weinberger

Dalawang tulang tuluyan ni Eliot Weinberger. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. ANG GUBAT Kapag nasa Angola, huwag pumasok sa kagubatan ng Cokwe kung gabi. Naroon si Muhangi, ang huklubang lalaki, ang dating dakilang mangangaso, na tumatakbo nang humihiyaw sa kahuyan. Si Kanyali, na may anyo ng batang babae, ay hinahabol ang mga [...]

Uica nang Pang-ulo ocol sa Cigarillo

UICA NANG PANG-ULO OCOL SA CIGARILLO Cigarillo, bucor sa yba pang vicio gaia nang alac, sug-al, at libog, ang cahohomaling-an nang sino man tauo, ano man ang caniyang profesión at estado sa liponan at oring pinagmolan. Cigarillo ang nagpapa-calmar nang calamnan, nguni pumupucaw sa ysip at nagpapa-bilis nang tibuc nang puso, at aacala-yin nang homi-hitit [...]

Pugad, ni Seamus Heaney

salin ng tulang “Nesting-Ground” ni Seamus Heaney. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PUGAD Ang mga pugad ng mga balinsasayaw ay mga bútas ng karimlan sa gilid ng ilog. Naguguniguni niya ang kaniyang kamay na pumapasok doon hanggang kilikili, may mahabang manggas at tuwid na tuwid, ngunit minsan niyang nadama ang malamig na [...]

Daga at Dalawang Pirasong Prosa, ni Georg Trakl

Mga tula ng makatang Austríyako na si  Georg Trakl. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. MGA DAGA Sa bukirin, kumikislap ang puting buwan ng taglagas. Bumabagsak ang mga kagila-gilalas na anino sa bubungan. Umiiral ang katahimikan sa mga hungkag na bintana; at mula roon, lumalabas nang marahan ang mga daga na pawang kung [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers