Ina ng Laging Saklolo

Makapangyarihan ang imahen ng ina sa lipunang Filipino, at ang ina ay sumasagisag hindi lamang bilang “ilaw ng tahanan” bagkus tagapagtanggol ng anak laban sa anumang batik na maipupukol ng kalaban. Sa mga telenobela, ang ina ang kunsintidor sa masamang asal ng anak, kung hindi man ay kakutsaba sa maiitim na balak ng anak na [...]

Gabi at Tanikala ni Ahmad Shamlu

Dalawang tula ng makatang Iranian na si Ahmad Shamlu Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA GABI Sa gabi, kapag ang pinilakang buwan ay nagpapalawà ng malawak na lupain, ibinubukad ko ang mga layag ng guniguni sa landas ng hangin. Sa gabi, kapag tahimik na tahimik ang mga pasyok sa malalalim na sanaw, [...]

Ang Talaba ni Francis Ponge

Tulang tuluyang pinamagatang “L’huître” ni Francis Ponge sa wikang Pranses Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG TALABA Kasukat ng karaniwang bato, ang talaba ay magaspang ang hulagway, paiba-iba ang kulay, at maningning ang kaputian. Mahigpit na nakapinid ang mundo nito. Ngunit mabubuksan gayunman: kailangang sapinan ito ng basahan paghawak, saka gamitin ang [...]

Talaang Tanso at Makata ng Taon

Maringal ang pagpaparangal ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga nagwagi ng Talaang Ginto sa Tula ngayong taon, na ginanap kahapon (13 Abril 2010), ngunit ang makulay na pagdiriwang sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining (NCCA) ay hindi naikubli ang kasalatan sa kasiningan ng tula ng Makata ng Taon na si [...]

Erap versus Manny versus Noynoy

Umiinit ang bakbakan sa kampanya, ngunit nananatiling ligtas sa pangunang puwesto si Noynoy Aquino alinsunod sa sarbey ng pambansang halalan. Sinisikap ng kampo ni Manny Villar na alisin sa ekwasyon si Gibo Teodoro, upang ang bakbakan ay maging Aquino vs. Villar. Ang pagkalas ni Prospero Nograles sa koalisyong Lakas-Kampi-CMD ay hindi na bago. Matagal na [...]

Kampanya at Kahirapan

Pinakamalupit na panahon ang Abril, kung hihiramin ang dila ni T.S. Eliot, at idaragdag kong isinisilang nito ang mga bulaklak ng kampanya mula sa tigang na lupain ng propaganda, samantalang dinidiligan ng salapi mula sa bulsa ng mga politiko. Ipinangangako ni Manny Villar na “tatapusin” ang kahirapan ng mga Filipino, sa pamamagitan umano ng sipag [...]

Riple at Pag-ibig ni Heberto Padilla

Mga tula ng makatang Cubano, Heberto Padilla, mula sa orihinal na Espanyol Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG LUGAR NG PAG-IBIG Natatanaw ko lagi sa balikat mo ang mundo. Sumisiklab ito sa gitna ng mga unos. Ito ang piraso ng bulók na kahoy, ang lumang parol na lumulutang wari sa hihip ng [...]

Sappho at Calypso ni William Carlos Williams

Mga tula ni William Carlos Williams Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SAPPHO, PUMANATAG May isa lamang na pag-ibig hayaan itong maging maya na makikimkim sa dibdib at araw-araw huhuni nang munti sa atin ano ang halaga nito? Ako, sabihin natin, ay umiibig sa babae ngunit ang totoo higit kong mahal ang sarili. [...]

Plahiyo at Mukha

May leksiyong mahuhugot sa nakaraang alingasngas na kinasangkutan ng bilyonaryong si Manuel V. Pangilinan, na may kaugnayan sa plahiyo. At ito ang pagiging matapat sa sinasabi, at ang pagsipi nang maayos sa diwain ng iba, at ang pagtataglay ng mukha na inihaharap sa madla. Ang kakatwa, may bahagi ng talumpati si MVP hinggil sa kaniyang [...]

Panukalang Pambansang Adyenda sa Kultura

Napag-uusapan lamang ang pambansang adyenda hinggil sa kultura kapag dumarating ang halalan. Ngunit ni isang partidong pampolitika ay walang handang sagot sa pagharap sa pagpapalago ng kultura. Noong Abril 2, Biyernes Santo, dumalo ako sa pagtitipon ng mga manunulat at alagad ng sining na pawang naglinis ng plasa ni Balagtas sa Pandacan, Maynila bukod sa [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers