Awit at Pag-ibig ni Mahmud Kianush

Mga tula ni Mahmud Kianush Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo MANANATILI ANG AWIT Humuni ng matarling na awit ang ibon na nakadapo sa tangkay ng rosas, at inilatag ang sigaw ng kaluguran sa lawas ng hungkag na katahimikan. Naglaho ang rosas, ni walang iniwang bakás ng kulay o kaya’y halimuyak. Ngunit nang [...]

Tatlong Talinghaga ni Ho Chi Minh

Mga tula ni Ho Chi Minh Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo GABI NG TAGLAGAS Sa tarangkahan, sakbat ng bantay ang tangang riple. Tumatakas sa kapal ng ulap ang buwan sa himpapawid. Ang paglusob ng laksang surot ay hukbo ng mga tangke sa gabi. Ang eskuwadron ng mga lamok ay alon ng salakay [...]

Godzilla sa Mehiko ni Roberto Bolaño

salin ng tula ni Roberto Bolaño mula sa Espanyol salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo GODZILLA SA MEHIKO Makinig kang mabuti, anak: umuulan ng bomba sa Lungsod Mehiko ngunit ni wala man lang nakapapansin. Inililipad ng hangin ang lason papaloob sa mga lansangan at bukás na bintana. Katatapos mo lamang kumain at nanonood [...]

Dalawang Tula ni Andreas Embiricos

salin ng mga tulang tuluyan ni Andreas Embiricos, batay sa saling Ingles nina Kimon Friar at Karen van Dyck. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. MGA UBAS NG TAGLAMIG Inagaw nila ang kaniyang mga laruan at mangingibig. Napalungayngay siya at halos mamatay. Ngunit ang labintatlong tadhana, tulad ng kaniyang labing-apat na taon, ay [...]

Pabula sa Tag-araw

Napagawî ang tagák doon sa dalísay na sapà. Naákit siyáng tumítig sa túbig, at nakíta niyá ang saríli bílang nápakágandáng babáe sa daigdíg. “Anung hiwagà!” wikà ng tagák. “Walâ nang hihigít pa sa áking maputîng anyô!” Mayâ-mayâ’y kumilapsáw ang tubig. At humalakhák ang sapà habang nanánalamín doón ang naligáw na íbon. “Bakit ka túmatáwa, butihing [...]

Sampánaw ng mga Pandama ni C.P. Cavafy

salin ng “Το Σύνταγμα της Hδονής” ni C.P. Cavafy, batay sa saling Ingles ni Manuel Savidis salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SAMPÁNAW NG MGA PANDAMA Huwag magwika ng kasalanan, huwag magwika ng pananagutan. Kapag nagparada ang Sampánaw ng mga Pandama, sa saliw ng musika at wagayway ng mga watawat; kapag nangatal at [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers