Hulagway ng Digmaan ni Semezdin Mehmedinovic

Mga tula ni Semezdin Mehmedinovic Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ALIFAKOVAC Sa may silangang gilid ng Sarajevo kipkip ng bata ang bungkos ng rosas— Ito ang Bajram at ang munting maglalako ay patungong libingan na hitik sa mga rosas na kargado ng laksang uri ng mga rosas na tulad ng libingang kahuhukay [...]

Lambat at Magdamag ni Rabindranath Tagore

Mga tulang tuluyan ni Rabindranath Tagore Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo INIHAGIS KO ANG AKING LAMBAT SA DAGAT Inihagis ko kinaumagahan ang aking lambat sa dagat. Hinila ko mula sa maitim na kailaliman ang mga bagay na kakatwa at kakatwang kariktan—kumislap ang ilan gaya ng ngiti, kuminang ang iba gaya ng luha, [...]

Dalawang Parabula ni Kahlil Gibran

Parabula at tulang tuluyan ni Kahlil Gibran Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG BALYÁN Sinabi ko minsan sa balyán, “Pagod ka na marahil sa katatayo sa malungkot na bukiring ito.” At sumagot siya, “Malalim at tumatagal ang tuwa ng pangangalaga, at hindi ako kailanman napagal.” “Sumabat ako, makaraan ang isang minutong pag-iisip, [...]

Ang pagsusulat ay pakikinig sa iyong sarili ni Sjón

Tulang tuluyan ni Sjón (Sigurjón Birgir Sigurdsson) mula sa Iceland Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo, batay sa saling Ingles ni Bernard Scudder ANG PAGSUSULAT AY PAKIKINIG SA IYONG SARILI Narinig ko minsang nag-uusap ang dalawang lalaki. Pula ang balbas ng isa at may buhok na abot-tuhod, samantalang ang isa pa’y kabaligtaran. Ang [...]

Dalawang Tula ni Langston Hughes

salin ng mga tula ni Langston Hughes salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo NAGWIWIKA NG MGA ILOG ANG NEGRO Batid ko ang mga ilog: Batid ko ang mga ilog na sintanda ng daigdig at higit na matanda sa daloy ng dugo ng tao sa mga ugat ng tao. Lumalalim ang aking kaluluwa tulad [...]

Pambansang Adyenda sa Edukasyon ni Benigno “Noynoy” S. Aquino III

SAMPUNG BAGAY NA AKING AAYUSIN SA BATAYANG EDUKASYON NG FILIPINAS ni Sen. BENIGNO “NOYNOY” S. AQUINO III Nasa yugto ng krisis ang edukasyon at hindi na dapat ipaliwanag iyon. Alam ng lahat ang katotohanan. Mataas ang antas ng enrolment sa unang araw ng pasukan, ngunit hindi tayo kumakayod nang husto upang mapanatili ang mga bata [...]

Talinghaga ng Kabutihan ni Oscar Wilde

Dalawang tulang tuluyan ni Oscar Wilde Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG GUMAGAWA NG MABUTI Takipsilim na at nag-iisa Siya. At natanaw Niya sa malayo ang mga pader ng pabilog na lungsod at dumako paparoon. At nang Siya’y malapit na, narinig Niya sa loob ng lungsod ang indak ng mga paa ng [...]

Tatlong Sarili ni Juan Ramón Jimenéz

Tatlong tula ni Juan Ramón Jimenéz Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo KARAGATAN May kutob ako na ang aking bangka ay bumangga, doon sa kailaliman, sa dambuhalang bagay. At walang naganap! Wala. . . Katahimikan. . . Mga alon. . . . —Walang nangyari? O nangyari lahat, at nakatayo tayo ngayon, tahimik, sa [...]

Tatlong Tula ni James Joyce

Salin ng mga tula ni James Joyce Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SIMOY NG MAYO Simoy ng Mayo’y sayaw sa dagat, Sayaw paikot, galak na galak Kulot sa kulot, habang sa tuktok Bula’y pahiyas na isusuot. Sa arkong pilak ng himpapawid, Ikaw ba, mahal, itong nabatid? Aba mo ngani, kay-lungkot nito Paghihip [...]

Hinagpis ng Taglagas ni Stéphane Mallarmé

Salin ng tulang “Plainte d’automne” (1864) ni Stéphane Mallarmé. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. HINAGPIS NG TAGLAGAS Nang iwan ako ni Maria para dumako sa ibang bituin—sa Orion man o Altaír o lungting Venus—inibig ko nang madalas ang pag-iisa. Kapiling ko ang aking pusa sa paglulustay ng mga araw. Katumbas ang pag-iisa [...]