Mga Bintana ni Charles Baudelaire

salin ng “Les Fenêtres” ni Charles Baudelaire mula sa Le spleen de Paris (1869) salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo MGA BINTANA Hindi nakakikita nang ganap ang tao na nakatanaw sa bukás bintana kung ihahambing sa tao na tuwirang nakatingin sa nakapinid na bintana. Walang bagay na higit na misteryoso, higit na matalinghaga, [...]

Mga tula ng paglalakbay ni Immanuel Mifsud

salin ng mga tula ng makatang Slovak Immanuel Mifsud salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG BATO May isang bato na ibig kong itago mo. Nakatago ito sa aking dibdib na kumikirot. Ibig kong kunin mo iyon, gawing bulaklak upang bigyan ng mga kulay ng iyong anyo. Lumuluha ang bato tuwing takipsilim at [...]

Ang Banyaga

Lumalabas siya ng bahay at ang bahay ay aandar nang kusa para uyamin ang panuto ng pag-iral. Aandar ang bahay sa guniguni ng malagkit na sala o mapanghing kubeta, mabubulabog sa mga batang uhugin ngunit maliksing nagsusuntukan, maililipat sa opisina sa gitna ng pulong, maisasakay sa kotse para harapin ang kumperensiya, darako sa hotel, unibersidad, [...]

Kalayaang Huminga ni Aleksandr Solzhenitsyn

salin ng tulang tuluyan ni Aleksandr Solzhenitsyn batay sa saling Ingles ni Michael Glenny salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo KALAYAANG HUMINGA Umulan noong gabi at tumakip ang maiitim na ulap sa himpapawid, at pagbugso-bugsong umambon nang malamig. Nakatayo ako sa lilim ng punong mansanas na namumukadkad, at huminga. Bukod sa punong mansanas,  [...]

Mga Lungsod at Mithi ni Italo Calvino

salin mula sa Le città invisibili (Invisible Cities, 1972)  ni Italo Calvino. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Mula roon, pagkalipas ng anim na araw at pitong gabi, sasapit ka sa Zobeide, ang puting lungsod, na ganap na lantad sa sinag ng buwan, at may mga lansangang nakaikid gaya ng sinulid. Isinasalaysay nila [...]

Hula at Halalan

“Pitho” ang sinaunang taguri sa sinumang matandang tao na nakakikita sa hinaharap, at gaya ni Teiresias ay magiging gabay ni Oedipus para harapin ang kapalaran. Isang katangian ng pitho ang kakayahang buksan ang isip at loob para makita ang posibilidad ng mga pangyayari, at mabigyan ng babala ang sinuman sa anumang sasapit na panganib o [...]

Mga Tulang Tuluyan ni Ridvan Dibra

salin ng mga tulang tuluyan ni Ridvan Dibra mula sa wikang Albanian, at batay sa saling Ingles ni Robert Elsie. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PAG-IBIG NG MGA ALAKDAN Taliwas sa mga tao at ulupong at iba pang hayop na pawang nagtataglay ng lason sa kanilang bibig, ang mga alakdan ay nagtatago [...]

Ang Mithi

Lumilipad ang iyong panalangin upang hanapin ako sa kung saang lansangan. May bagwis ang iyong bawat kataga, at mapapansin ko na lamang ang mga balahibong lagas sa ulo o balikat. Nakapagtindig ka ng gusali sa aking dibdib isang araw, at ang gusaling ito ay unti-unting tumayog, ngunit taliwas sa dapat asahan, nabubuo iyon sa mga [...]

Ang Diktador

Sisikip ang mga lansangan sa mga kumpeti at sasakyan. Aalingawngaw ang tinig na magpapakilala sa mga bathala. Nuwebe de Pebrero. Ito ang sandali ng digmaan ng lahat ng digmaan. Sa Kalye Olympus ay maghahari si Zeus, at itataboy ng libak ng pagkagapi si Kronus. Magtatagumpay si Zeus sa tulong ng mga pangitain at bulong ni [...]

Isang Silanganing Awit ni Allen Ginsberg

salin ng tulang “An Eastern Ballad” ni Allen Ginsberg salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ISANG SILANGANING AWIT Winika ko ang pag-ibig na nasagap: Na matapat itong buwan kahit bulag; Kumikilos kahit iba yaong loob. At kalinga sa kaniya’y nagpalungkot. Di inisip na ang dagat ay malalim At maitim ang lupain; sa paghimbing, [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers