Utos ng Diyos

Hinubog ng diyos, alinsunod sa kaniyang hulagway, ang tao. Ito ang mensaheng tumagos sa iyong isip, at tinanggap nang maluwag at walang kurap sa mahabang panahon. Maaaring labis na mapagpakumbaba ang maykapal, tugon mo, at sa anyo ng isang mortal ipapadron ang kaniyang larawan. Ngunit ang gayong gawi ay paimbabaw; at lumilikha ng idolo ang [...]

Kampanya at Halalan

Sa larangan ng politika, ang lahat ay mabubuksan at magagamit bilang kasangkapan upang makamit ang anumang lunggati ng politiko. Natural ang bakbakan sa politika, at kahit ang pagpatay sa mga tagasuporta ng isang politiko ay maaasahan kung umiiral sa isang pook ang kultura ng sandatahang dahas. Hindi inaasahan sa politika ang pagiging santo o martir [...]

“Pagkakataon” ni Jorge Luis Borges

salin ng tulang “Instantes” ni Jorge Luis Borges mula sa orihinal na Espanyol salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo PAGKAKATAON Kung isisilang muli ako para danasin ang buhay na ito, sa susunod ay sisikapin kong magkamali nang marami. Di ko susubuking maging perpekto’t higit na panatag ako. Magiging hangal ako kaysa dati, at [...]

Sa Bibliya, lumilipas ang mga salinlahi . . .

salin ng tulang tuluyan ni Leonard Cohen salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA BIBLIYA, LUMILIPAS ANG MGA SALINLAHI . . . Sa Bibliya, lumilipas ang mga salinlahi sa isang talata, nawawakasan sa parirala ang pagtataksil, at lumulustay ng isang pahina ang paglikha ng daigdig. Hindi ko mapipili ang mahalagang dinastiya sa karamihan, [...]

Panibugho

Baka magising ka isang umaga na nakapahilis ang sinag sa mga mata, at ang tahanan ay maaliwalas at maluwag at mailap sa panibugho. Maririnig mo ang mga maya at kabisote sa bintana, na pawang humuhuni ng matitinis na paramdam sa mga sanga ng punong bayabas. Tutunog ang orasan, maaalimpungatan ang panganay mo, at makaraang makapag-inat [...]

Dalawang Tula ni Cecilia Woloch

salin ng dalawang tula ni Cecilia Woloch salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo CARPATHIA Hinugasan ang abok at bantot ng tren na Polish, nakiawit sa isang paslit. Kumain at tumawa at umiyak, tumagay ng vodkang may katas ng mansanas, at nagtinapay. Lumakad sa mga bukirin nang dapithapon, at sa gubat at pabalik muli— [...]

Mga Talinghaga ni Karol Wojtyla

salin ng mga tula ni Karol Wojtyla (na tinawag ding Papa Juan Pablo II) salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo PAGSUSUMAMO NI JUAN KAY MARIA Huwag pahupain ang mga alon ng aking puso, tumataas iyon pagsapit sa paningin mo, ina; huwag baguhin ang pag-ibig, bagkus ibalik ang alon sa akin sa malilinaw mong [...]

“Pinto ng Gabi” ni Cecília Meireles

salin at halaw ng tula ni Cecília Meireles mula sa Portuges de Brazil salin at halaw sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo PINTO NG GABI Sumasapit ang mga anghel upang buksan ang pinto ng gabi sa sandaling napakalalim ng ating paghimbing at malaganap ang katahimikan sa kaligiran. Mabubuksan ang pinto’t mapapabuntong-hininga tayo. Sumasaliw ang [...]

Apat na Tula ni Adonis (Ali Ahmad Said Asbar)

salin ng mga tula ni Adonis (alyas ni Ali Ahmad Said Asbar) salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo KAMATAYAN Papanaw tayo maliban kung lilikha ng mga diyos. Papanaw tayo maliban kung papatay ng mga diyos. O, kaharian ng nalilitong bato! DALAWANG BANGKAY Ililibing ko sa busabos mong sikmura, ulo, kamay, at mata ang [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers