Ang mga Alon

Malawak na dagat ang guniguni, at ang mga alon ay tumatakbong metalikong kabayo na sinasakyan ng kaniyang katauhan. Kumikitid ang isip kapag dumadaong sa hanggahan ng tangway at tangrib, ngunit lumalawak muli tuwing binubuksan sa elektrisidad ng araw at elektridad ng hangin. Nakatimo sa laot ang isang pulo, na maaaring nagkukubli ng pangalan ng imperyal [...]

Mga Tula ni Charles Simic

salin ng mga tula ni Charles Simic salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG MELON May sariwang melon sa hardin Napakasariwa, at pumapalatak ang kutsilyo Habang hinihiwa iyon sa anim na bahagi. Magbabalik sa paaralan ang mga bata. Hindi mabubuhay ang kanilang mga ina, Na nagpapasa ng mga platong papel, Upang makita ang [...]

Tatlong Tula ni Vasko Popa

salin ng mga tula ng makatang Serbian Vasko Popa salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA NAYON NG AKING MGA NINUNO May kung sinong yumakap sa akin At tumitig nang may paningin ng lobo At nagtanggal ng kaniyang sombrero Upang masilayan ko nang lubos Tinanong ako ng bawat tao sa daan Alam mo [...]

C-5 at Tiyaga

Habang umiinit ang kampanya, umiinit din ang ulo ng mga senador, at may kinalaman dito ang imbestigasyon hinggil sa proyektong C-5 na kinasasangkutan ng butihing Sen. Manny Villar. Sa unang malas ay mabigat na usapin ng korupsiyon ang isyu. Inilihis umano ang pagawaing bayan sa mga subdibisyong pag-aari ni Villar, at ito ang pinagkakitaan ng [...]

Santa Rosalia

Nakahimlay sa matarik na yungib ang pag-ibig, at ang pag-ibig na ito ang aking tagapagligtas. Naulinig iyon ng babaeng maysakit, at napasigaw ng Hesus ko! ngunit inakala marahil na bungang-isip sa mga gabi ng deliryo. Mauulinig muli iyon ng mangangaso isang araw, at hahanapin nito ang kakatwang tinig na iniluluwal ng bunganga ng bundok. Hahalimuyak [...]

Dalawang Tulang Tuluyan ni Pierre Reverdy

salin ng mga tulang tuluyan ni Pierre Reverdy mula sa La balle au bond. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo mula sa orihinal na Pranses. BAKBAKAN May awreola sa hungkag na silid. Naglalatag ng anino ang mga halamang nakagilid sa bubungan pababa sa mga ugat at kahit ang mga ginintuang dahon. Nasa malayo [...]

“Ang Rosas at ang Mesa” ni Hugo von Hofmannsthal

Salin ng “Die Rose und der Schreibtisch” (1892) ni Hugo von Hofmannsthal, batay sa saling Ingles ni Johannes Beilharz Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG ROSAS AT ANG MESA Alam kong hindi nahuhulog nang kusa sa bukás na bintana ang mga bulaklak. Lalo na kung gabi. Ngunit hindi iyan ang mahalaga. Isang [...]

“Ang Baliw” ni Kahlil Gibran

salin ng “The Madman” ni Kahlil Gibran salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG BALIW Nagtanong ka kung paano ako naging baliw. Ganito ang nangyari: Isang araw, bago pa isilang ang maraming diyos, nagising ako mula sa malalim na paghimbing at natuklasang ninakaw ang lahat ng maskara ko—ang pitong maskara na aking hinubog [...]

Tatlong Tulang Klasiko mula sa Tsina

salin ng tula ni Rwan Ji, mula sa Dinastiyang Wei ng Tsina salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo HIMIG NG KALOOBAN Hindi ako makatulog sa gabi. Babangon at uupo ako para kalabitin ang umaawit na laúd. Sinisilip ko sa manipis na kurtina ang kinang ng buwan. Humihihip ang dayaray sa aking kasuotan. Nanawagan [...]

Pit Senyor!

Himala ang inaasahan namin sa iyong hulagway, at pahiwatig ng kaligtasan mula sa sumasayaw na apoy. Gumagaan ang aming daigdig na sapupu ng iyong kamay, at gaya mo’y isinisilang muli kami sa pista at dasal. Kasisindakan ka ng mga hari, at sa tangan mong setro’y mabubuksan ang palasyo sa aming mga puso. Bumangon ka mula [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers