“Iabot ang Kamay” ni Gabriela Mistral

salin ng “Dame la Mano” ni Gabriela Mistral (sagisag panulat ni Lucila Godoy y Alcayaga) mula sa orihinal na Espanyol salin sa elaganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Iabot ang kamay Iabot ang kamay at ako’y isayaw Iabot ang kamay at ang pagmamahal. Ay, isang bulaklak, at wala nang iba, Isa pong bulaklak ang magiging [...]

Tatlong Tula ni Mimoza Ahmeti

Salin ng “Këngë” ni Mimoza Ahmeti mula sa orihinal na Albanian, at batay sa saling Ingles ni Robert Elsie Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo AWIT Sakali’t gigising ka, Huwag gaya ng bulaklak Bagkus gaya ng bulkan, Sakali’t iimbulog ka, Huwag gaya ng ibon Bagkus gaya ng araw, Sakali’t babagsak ka, Huwag gaya [...]

Salita ng Taon 2009

“Bayani” ang isa sa mahahalagang Salita ng Taon 2009, at ito ay kinakatawan ng gaya ni Efren Peñaflorida na kinilala ng CNN. Si Peñaflorida ang nagpakilala ng edukasyon sa pamamagitan ng kariton, at sa pagsugpo sa kultura ng tambay at maton na malaganap umano sa kaniyang lugar. Kahanga-hanga ang pagwawagi ni Peñaflorida, samantalang ibinubunyag ang [...]

Mula sa Kailaliman ni Georg Trakl

salin ng tulang “De Profundis” ni Georg Trakl mula sa orihinal na Austríyako salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Mula sa Kailaliman Pumapatak ang itim na ulan sa bukid na hitik sa dayami. Malungkot na nakatirik ang nag-iisang kayumangging puno. Sumisipol ang hangin na nagpapangalisag sa mga kubol. Ay, anung lungkot ang bumabalot [...]

Tatlong Tula ni Rolf Jacobsen

Tatlong tula ni Rolf Jacobsen mula sa orihinal na Norwego Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo, at ibinatay sa saling-Ingles nina Robert Bly at Robert Hedin Anghel dela Guwardiya Ako ang ibong kumakampay sa bintana mo tuwing umaga, ang pinakamatalik na kaibigang mahirap mong mabatid, ang kumpol ng mga bulaklak na sumisiklab para [...]

Dalawandaang Araw

Dalawandaang gusali ang nasa loob ng ating noo, at mula roon ay hahanapin ang dalawandaang tao na dalawandaang anyo ang tabas ng anino. Hihihip ang dalawandaang simoy, mamumuo ang dalawandaang ulap, guguhit ang dalawandaang kidlat,  magliliparan ang dalawandaang papel na ang taglay na dalawandaan at dalawang salita ay malalaglag at babagsak sa dalawandaang pulo. Uulan [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers