“Ang mga Dukha” ni Roberto Sosa

salin ng “Los Pobres” ni Roberto Sosa mula sa orihinal na Espanyol salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG MGA DUKHA Napakarami ng dukha kaya naman imposibleng makalimutan sila. Matitiyak na tinatanaw nila sa bawat liwayway ang laksang gusali na ibig nilang panahanan ng kanilang mga anak. Maaari nilang pasanin sa balikat ang [...]

Mula sa Selda

Sasakay ako ng eroplano—yamang naturingang baliw—at iikutin ang mundo sa loob ng kusina o aklatan, at mapapagod dahil wala namang pinupuntahan. Sasakay ako ng submarino at sisisirin ang karagatan sa palibot ng bakuran, at mapapagal dahil palulutangin naman ng armada ng mga bantay. Sasakay ako ng bus patungong kabundukang walang kaparis, habol-habol ng matatapat na [...]

Dalawang Tula ni Eugenio Montale

salin ng mga tula ni Eugenio Montale mula sa Italyano at ibinatay sa saling-Ingles ni G. Singh salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo PAGBAGSAK NG HALAGAHAN Binasa ko ang gradwadong tesis ng estudyante hinggil sa pagbagsak ng halagahan. Sinumang bumagsak ay mahihinuhang nasa kaitaasan, at mahahalata, ngunit sino ang labis na gago? Wala [...]

“Ulan” ni Jorge Luis Borges

Salin at halaw ng “La lluvia”  ni Jorge Luis Borges mula sa orihinal na Espanyol Salin at halaw sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ULAN Lumiwanag nang mabilis itong hapon Nang umambon nang biglaan at banayad. Ibinuhos o bumuhos. Matitiyak Na ang ulan ay umiral nang malaon. Uulinig ang nawalay na panahong Ang pag-ulan [...]

Dalawang Talinghaga ni Hermann Hesse

salin ng dalawang tula ni Hermann Hesse salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo KAPAG WALA KA Nakatitig sa akin ang unan ko tuwing gabi, Hungkag gaya ng lapida; Hindi ko akalaing magiging napakapait Ang mag-isa, at matulog Nang hindi nakasapin ang iyong buhok. Mag-isa akong nahihiga sa tahimik na bahay, Pumupusikit ang nakabiting [...]

“Lilim” ni Boleslaw Prus

salin ng kathang “Cienie” ni Boleslaw Prus mula sa orihinal na Polish, at batay sa saling-Ingles ni Christopher Kasparek salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo LILIM Habang nauupos ang sinag ng araw mula sa kalangitan, sumisilang ang takipsilim mula sa kalupaan. Takipsilim ang malaking hukbo ng gabi, na may laksang di-nakikitang hanay at [...]

Tigre sa Kahuyan

TIGRE SA KAHUYAN Naaamoy ng mga asong-gubat ang iyong tagumpay. Susundan nila ang patak ng mga dugo mula sa hila-hila mong usa o kambing, hanggang matuklasan ang iyong kinaroroonan. Titingalain nila ang iyong tropeo na nakasabit sa matitigas na sanga, at maglalaway saka mag-aagawan sa pira-pirasong karne na mahuhulog habang nilalapa mo ang tanghalian. Makisig [...]

“Babala sa Mambabasa” ni Robert Bly

Salin ng tulang tuluyan mula sa Ingles ni Robert Bly Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo BABALA SA MAMBABASA Nagiging bukod-tanging maganda minsan ang mga kamalig kapag naglaho na ang mga trigo at robles, at winawalis ng simoy ang alikabok sa sahig. Masisilayan natin ang paligid, habang nakatayo sa loob,  na naglalagos sa [...]

“Sa Bulwagan ng Templo” ni Ko Un

Salin ng tula ng makatang Koreanong si  Ko Un Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA BULWAGAN NG TEMPLO Ibagsak si Buda! Ibagsak ang guwapo at mapintog na Buda! Ano ang kaugnayan ng eleganteng balbas? Baklasin ang pintadong putang barakilan! Ulo ng dragon? Ano’ng silbi ng ulo ng dragon? Buwagin ang templong iyan, [...]

Sumpa ng Anito

Sumpa ng Anito Iwan ako at pagbukas ng pinto ay sasalubong ang baha. Iwan ako at paglakad sa kanto ay mabibiyak ang lupa. Iwan ako at pagsilip sa guho ay sasagitsit ang kidlat. Iwan ako at pagtili sa bato ay mapopoot ang simoy. Iwan ako at pagtutop sa noo ay lalagablab ang apoy. Iwan ako [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers