Aliw-iw Humahagibis ang sasakyan palabas sa kumikislap, maalinsangang lansangan. Umalimbukay ang alikabok na tumakip sa nakaraan, at pumasok sa aking guniguni ang iyong lastag, mamula-mulang talampakan. Sinundan ko ang bakás ng mga paa sa kung anong katwiran, lumundag-lundag sa gusot-gusot na palaisipan, saka nang mapaluhod at magutom ay pusong mamon ng birheng matimtiman ang nalasap [...]
Filed under: tula,Tulang Tuluyan | Minarkahan: bakas,gunita,lansangan,mamon,sasakyan,tula,Tulang Tuluyan | 1 Puna »
