Kritikastrong Tanaw ni Tomas F. Agulto sa Panulaang Filipino

Nagiging makulay ang pagpapahalaga sa pagtula ng isang makata alinsunod sa pagbasa na ipinapataw dito ng mga kritiko o kritikastro. Ang kritiko ay maaaring kumasangkapan sa mga pagdulog at teorya ng pagbasa, at sa gayong paraan, ay nagiging tulay siya ng teksto tungo sa mambabasa. Sa pamamagitan ng paggamit ng lente ng pagbasa, ang tula [...]

Ang Romansa ng Makata

salin ng “El Romance del Bardo” ni José Antonio Ramos Sucre mula sa kaniyang aklat na La torre de Timón (1925). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo mula sa orihinal na Espanyol. Ang Romansa ng Makata Pinalayas ako mula sa buhay. Nakatago sa loob ko ang magalang na pag-ibig, ang lubos na debosyon, [...]

Liwayway

May tapayan sa rabaw ng aking daliri, at nakasulat paikot sa bunged nito ang hulagway ng siklo ng dagat o simoy o bundok. Maaaring sinaunang fatek ang tatak, iginuhit ng matandang artesano, at sa payo ng pitho ay iniukit ang arkitektura ng uniberso. Kung sisipatin mula sa itaas, ang tapayan ay tila susong namumurok ang [...]

Ang Tula bilang Salamin ng Panlipunang Sikolohiya

Malaking puwang ng pagsisiyasat ang mabubuksan kung ituturing ang tula bilang panlipunang sikolohiya. Maipapalagay na ang tula, gaya ng sikolohiya, ay bumubuo sa pag-aaral ng estado ng isip, damdamin, at katawan ng mga tao. Kung ganito nga, at kung hihiramin ang dila ni Carl Jung, ang tula ay maaaring maipailalim na paksa sa sikolohiya; at [...]

Aliw-iw

Aliw-iw Humahagibis ang sasakyan palabas sa kumikislap, maalinsangang lansangan. Umalimbukay ang alikabok na tumakip sa nakaraan, at pumasok sa aking guniguni ang iyong lastag, mamula-mulang talampakan. Sinundan ko ang bakás ng mga paa sa kung anong katwiran, lumundag-lundag sa gusot-gusot na palaisipan, saka nang mapaluhod at magutom ay pusong mamon ng birheng matimtiman ang nalasap [...]

Reaksiyonaryong Tula ni Tomas F. Agulto

Bahagi ng mahabang kasaysayan ng panitikang Filipinas ang paggamit sa tula bilang propaganda—kung hindi man programa—upang isulong ang ideolohiya ng isang kilusan o politika ng isang tao. Ang tula ay maaaring sipatin na bahagi lamang ng simulaing pampolitika, at yamang higit na makiling sa politika, ay hindi maaasahan dito ang mataas na uri ng estetika [...]

“Adan” ni Federico García Lorca

Halaw at salin ng tulang “Adam” ni Federico García Lorca mula sa Espanyol Halaw at salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Adan Tigmak sa dugo ng punongkahoy itong umaga Na ang babaeng bagong panganak ay umuungol. Ang tinig niya’y bubog sa sugat na umaantak, At sa bintana’y anyo ng butong sala-salansan. Sibat ng [...]

“Ang Lingid na Babae” ni Alexander A. Blok

Salin ng “Незнакомка” (Unknown Woman) ni Alexander Aleksandrovich Blok Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Ang Lingid na Babae Sa itaas ng restoran ng magdamag Ay ilahas ang dayaray na malandi; At nahatak magsisigaw ang lasenggo Sa hininga ng patakás na tagsibol. Sa ibabaw ng lansangang maalabok Ay tumimo yaong inip sa tahanan; [...]

Mga Plataporma de Gobyerno

Tumatanyag ang salitang “plataporma de gobyerno” tuwing sumasapit ang panahon ng halalan. Ngunit ang kakatwa, walang seryosong talakayan ang umuurirat hinggil dito, at ang halalan ay nauuwi sa pasiklabang personal ng mga kandidato. May panimulang forum ang inilunsad kamakailan na ang bawat kandidato sa pagkapangulo ay tinatanong ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan, at [...]

Iyang Pagpapangalan

Salita ang bumubuo ng publikong imahen ng tao, at ang masining kung hindi man tusong paggamit nito ay makalilikha ng pambihirang konseptong sasaklaw sa guniguni ng madla. Ang mga taguring “King of Rock & Roll,” “King of Pop,” at “Asia’s Songbird” ay maaaring sumaklaw hindi lamang sa angking husay ng tao sa piniling larang na [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers