DILA
Ituturing kang pitho na makasisilip sa pinto ng sasapit na kabutihan o kapahamakan sa buong daigdig. Lalabas ka sa iyong yungib para tikman ang simoy, at lasahan ang pagkain, patalim, o lason sa atas ng kaluguran o kalooban. Magluluwal ka ng mga salita, mga salitang gagapang, lalangoy, lalakad, lilipad upang maghasik ng salot, digma, hirap, gutom nang maitampok ang nanlilimahid na pag-asa. Alam mo ang wika ng Maykapal at ang wika ng Ulupong. Batid mo rin ang wika ng kabiyak, at kung siya’y sisigaw, ihahaka mong isinisigaw niya ang iyong kariktan kung hindi man ang sinaunang kasinungalingan, habang nakakumot kayo ng makapal na ulop at nagtatalik sa kutson ng mga dahon.
Filed under: tula Minarkahan: | Adan,balita,dila,Eba,Filipino,kabuktutan,kasamaan,kasinungalingan,paraiso,salita,sinungaling,talinghaga,tsismis,tula


Habang binabasa, naaalala ko ang tulang “Ahas” ni Joey Baquiran sa kanyang librong “Onyx”. Nakaiindayog ang ritmo ng mga salita. Kaya hindi ko masila-sila ang panulaang Filipino dahil sa aking dila at diwang Bisaya. “,)
Mabuhay po kayo!
Nga pala, ikinawing ko kayo sa bagong-bago kong blog. Ok lang ba?
Salamat, at maaasahan mong ikakawing ko rin ang iyong blog dito sa Alimbukad.
Makikipagkawing din, Bob. Salamat.
Naikawing na kita, Jon.