Halaw at salin ng “Enivrez-Vous” ni Charles Baudelaire mula sa orihinal na Pranses Halaw at salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Magpakalasing Kailangan mong palaging malasing. Iyon lamang ang kailangan—at ang tanging paraan. Upang malimot ang karima-rimarim na oras na bumabali sa gulugod at nagpapakuba sa iyo, dapat kang malango nang walang humpay. [...]
Filed under: salin,tula | Minarkahan: alak,Buhay,damdamin,halaw,kalooban,libog,lunggati,salin,silakbo,tula | Mag-iwan ng Puna »
