Ipinaskil noong Oktubre 31, 2009 ni Roberto Añonuevo
DILA Ituturing kang pitho na makasisilip sa pinto ng sasapit na kabutihan o kapahamakan sa buong daigdig. Lalabas ka sa iyong yungib para tikman ang simoy, at lasahan ang pagkain, patalim, o lason sa atas ng kaluguran o kalooban. Magluluwal ka ng mga salita, mga salitang gagapang, lalangoy, lalakad, lilipad upang maghasik ng salot, digma, [...]
Inihanay sa: tula | Minarkahan: Adan, balita, dila, Eba, Filipino, kabuktutan, kasamaan, kasinungalingan, paraiso, salita, sinungaling, talinghaga, tsismis, tula | 4 Puna »
Ipinaskil noong Oktubre 23, 2009 ni Roberto Añonuevo
Kumikitid ang puwang ng paggamit ng Filipino sa mga pahayagan, at ang mga pahayagang ito—na tinaguriang tabloyd—ang ilan sa mga natitirang moog ng wikang Filipino. Ang malalaking pahayagang ginagastusan nang malaki, gaya ng Business World, Daily Tribune, Manila Bulletin, Manila Standard Today, Philippine Daily Inquirer, at Philippine Star, ay pawang nasusulat sa Ingles. Kabilang sa [...]
Inihanay sa: Filipino editor, Kritika | Minarkahan: Kritika, talata, politika, editoryal, paglalahad, pagsasalaysay, pagsusuri, lohika, bagyo, Pepeng, Ondoy, pangungusap, pangangatwiran | 2 Puna »
Ipinaskil noong Oktubre 20, 2009 ni Roberto Añonuevo
Salin ng tulang “Nu” ni Manuel Bandeira (Manuel Carneiro de Souza Bandeira Filho) mula sa orihinal na Portuges de Brazil Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Hubad Kung ikaw ay nakabestida, Mailap sa haraya nila Ang mga mundong malilikot Sa loob ng damit mong suot. (Kaya sa liwanag ng araw Hindi nga namin [...]
Inihanay sa: salin, tula | Minarkahan: Babae, halaw, Pag-ibig, pagmamahal, pagpapakatao, pagtanaw, pagtatalik, salin, talinghaga, tao, tula | 2 Puna »
Ipinaskil noong Oktubre 16, 2009 ni Roberto Añonuevo
Halaw at salin ng “Enivrez-Vous” ni Charles Baudelaire mula sa orihinal na Pranses Halaw at salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Magpakalasing Kailangan mong palaging malasing. Iyon lamang ang kailangan—at ang tanging paraan. Upang malimot ang karima-rimarim na oras na bumabali sa gulugod at nagpapakuba sa iyo, dapat kang malango nang walang humpay. [...]
Inihanay sa: salin, tula | Minarkahan: alak, Buhay, damdamin, halaw, kalooban, libog, lunggati, salin, silakbo, tula | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Oktubre 13, 2009 ni Roberto Añonuevo
Mayaman sa kawikaan ang mga Filipino, ayon sa saliksik ni Damiana L. Eugenio, kapag pinag-usapan ang bagyo, baha, hangin, unos, ulan, at tubig. Maaaring nakatulong dito ang pangyayaring ang Filipinas ay may tropikong klima, at nakapuwesto sa lugar na malimit dalawin ng unos o bagyo, samantalang nagtataglay ng malawak, sari-saring tubigan. Mahihinuhang hinugot sa karanasan [...]
Inihanay sa: Kritika, Tulang Filipino, tula | Minarkahan: tula, talinghaga, kawikaan, baha, bagyo, Pepeng, Ondoy, unos, pangaral | 1 Puna »
Ipinaskil noong Oktubre 12, 2009 ni Roberto Añonuevo
Salin ng tulang Griyegong Δέησις (Panalangin) mula sa koleksiyong The Canon ni C.P. Cavafy, at batay sa saling Ingles ni John Cavafy at nina Edmund Keeley at Philip Sherrard Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Panalangin Hinigop ng dagat tungo sa itim na kailaliman ang magdaragat. Isang ina ang nagsindi ng kandila para [...]
Inihanay sa: salin, tula | Minarkahan: tula, Kamatayan, salin, halaw, dasal, panalangin, larawan, ikon, imahen, Birheng Maria | 1 Puna »
Ipinaskil noong Oktubre 9, 2009 ni Roberto Añonuevo
Kung ang isang paa ay nasa hukay, Ano’t mangangamba sa paglalakbay? Nakahiga ako doon sa malamig na silid at ang natatanaw ay salaming pintuan. Dumaraan sa aking paningin ang mga doktor at nars, at ang mga pasyente na iba’t iba ang edad o pangalan o karamdaman. Paroo’t parito ang mga kamang de-gulong, at gumugulong ang [...]
Inihanay sa: Tulang Tuluyan, tula | Minarkahan: tula, Kamatayan, Tulang Tuluyan, pagbabalik, ospital, gabi, pagtanaw | 5 Puna »
Ipinaskil noong Oktubre 3, 2009 ni Roberto Añonuevo
Humihingi ng tulong ang mga residente ng Isla Talim (Talim Island) na pinaghahatian ng Binangonan at Cardona na pawang sakop ng Lalawigan ng Rizal, dahil hindi makabiyahe ang mga de-motor na bangkang makapaghahatid ng suplay ng pagkain, gamot, at iba pang kagamitan sa isla sanhi ng masigwang alon at hangin. Ang mga bahayang malapit sa [...]
Inihanay sa: bali-balita, balita | Minarkahan: tulong, saklolo, bagyo, Ondoy, relief operation | 1 Puna »
Ipinaskil noong Oktubre 2, 2009 ni Roberto Añonuevo
Parang pinagtiyap ang pangyayaring ang pag-ibig ay ibong mailap na dumapo sa sanga ng punongkahoy, humuni ng nakakikilig na awit, saka isinalin nang patuka sa tangkay ang katauhan. Lumayo man ang ibon, maiiwan ang gunita nito sa ugat, sa bunged, sa balakbak, sa sanga, sa dahon, sa bunga, sa bulaklak, sa punongkahoy. At ang punongkahoy [...]
Inihanay sa: Tulang Filipino, tula | Minarkahan: tula, Pag-ibig, talinghaga, pahiwatig, Ibon, pagtatagpo, punongkahoy, sinta, paglisan | 2 Puna »
Ipinaskil noong Oktubre 1, 2009 ni Roberto Añonuevo
Tuwing may malawakang pinsalang dulot ng bagyo muling nauunawaan ang halaga ng pagtaya ng panahon. Sa pamamagitan ng satelayt, nakukuhanan ng retrato ang daloy ng bagyo at natataya kung gaano kalakas ang epekto nito pagtama sa lupain o tubigan. Matatantiya rin ang volyum ng ulan, bukod sa alimpuyo ng hangin. (Tingnan ang ang direksiyon ng [...]
Inihanay sa: bali-balita | Minarkahan: bayanihan, panahon, sakuna, paghahanda, bagyo, Pepeng, bakwet, kalamidad, paglikas | 1 Puna »