Salmo Ikatatlo ni Mahmoud Darwish

salin at halaw sa tula ng makatang Palestinong si Mahmoud Darwish salin at halaw sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo Salmo Ikatatlo Noong ang aking mga salita ay matabang lupain, kaibigan ko ang uhay ng trigo. Noong ang aking mga salita ay nagbubulkang poot, kaibigan ko ang mga tanikala. Noong ang aking mga salita ay [...]

Gotikong Lagim sa Tula ni Romulo A. Sandoval

Isa sa mga itinatangi kong makata si Romulo A. Sandoval, at ito ay may kinalaman sa sinop niyang tumula at sa maalamat niyang karera bilang matapat na tagapagsulong ng simulain ng kilusang lihim. Manipis lamang ang kaniyang pangwakas na aklat, ang Kanta sa Gabi (1997), ngunit ang aklat na ito ay nagtataglay ng pambihirang testamento [...]

Paghahanda sa Kamatayan

salin ng “Preparaçao Para A Morte” ni Manuel Bandeira (na ang buong pangalan ay Manuel Carneiro de Souza Bandeira Filho) salin sa Filipino mula sa orihinal na Portuges de Brazil ni Roberto T. Añonuevo Paghahanda sa Kamatayan Milagro ang buhay. Bawat bulaklak, na may angking hubog, kulay, at samyo, bawat bulaklak ay milagro. Bawat ibon, [...]

Mga Kuwaderno ng Destiyero

Salin ng pangunang tula ng Los cuadernos del destierro (1960) ni Rafael Cadenas. salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo mula sa orihinal na Espanyol. Mga Kuwaderno ng Destiyero Nagmula ako sa bayan ng kumakain ng malalaking ulupong, malilibog, marurubdob, matatahimik, at nababaliw sa pag-ibig. Ngunit ang lahi ko ay natatangi ang ugat. Isinulat at [...]

Gabi ng Gawad Palanca 2009

Nakalulugod at umaani ngayon ang Gawad Palanca ng mga bagong bunga ng panitikang Filipinas. Ang pagsibol ng mga tinig sa panitikan ay senyales na nagtutuloy at sumisigla ang pagtangkilik sa tula, katha, at dula, at kung gaano man katatag at kahusay ang mga akda ay mababatid sa mga darating na araw. Binabati ko ang mga [...]

Mga Tulang Hapones sa Dila ng Filipino

salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo, at batay sa tekstong Ingles at Hapones ni Zoltan Barczikay at ni Gabi Greve. Tula ni Manyoushuu 秋山の 黄葉を茂み 惑ひぬる 妹を求めむ 山道知らずも Nabon sa bundok ang mga dahong lagás. Nang hinanap ko ang naglahong kabiyak ay naligaw sa súkal. Tula ni Ryokan ( 良寛 ) 世の中は 何にたとへん 山彦の [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers