Ang Rebelde

Salin ng “Bidrohi” ng dakilang makatang Bengali na si Kazi Nazrul Islam, batay sa saling Ingles ni Mohammad Nurul Huda. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Ang Rebelde Sabihin, Magiting, Sabihing: Taas-noo ang aking pagkatao! Nakatanaw sa ulo ko Ang matayog na bundok Himalaya! Sabihin, Magiting, Sabihing: Pinupunit ang malawak na himpapawid, Iniiwan [...]

Rescue Operations at iba pang kontak para sa nasalanta ng Bagyong Ondoy

Heto ang mga telepono na puwedeng kontakin ng mga apektado ng bagyong Ondoy. Rescue Operations 1. National Disaster Coordinating Council (NDCC) (+632-9125668, +632-9111406, +632-9115061, +632-9122665) Help hotlines: (+65 734-2118, 734-2120) 2. Philippine Coast Guard (+632-5276136) 3. Air Force (+63908-1126976, +632-8535023) 4. Metro Manila Development Authority (136) 5. Marikina City Rescue (+632-6462436, +632-6462423, +632920-9072902) 6. Pasig [...]

Humihimig ng Kamatayan ang Biyolin

salin ng “La muerte afina su violin” ni Salomón de la Selva salin at halaw mula sa orihinal na Espanyol ni Roberto T. Añonuevo Humihimig ng Kamatayan ang Biyolin Humihimig ng kamatayan ang biyolin: Ani Kamatayan: Kumikinig akong sasaliw sa sayaw na walang katapusan sa himpapawid, sa lupain, sa karagatan! Humihimig ng kamatayan ang biyolin. [...]

Bighani ng Infomercial

“Infomercial” ang isa sa mga bulaklak ng dila na katumbas ng “propaganda” bagaman malayang pabulaanan ito ng mga kandidatong politiko sa darating na halalan 2010. Mula sa pinagsanib na mga salitang “information” at “commercial,” ang bagong imbentong salita’y nagkaroon ng pambihirang bisa sa bokabularyo ng taumbayan dahil ito ang ginagamit na palusot ng mga politiko [...]

Lunggati

Lunggati Malalakad ng langgam ang landas tungo sa buwan na lingid sa diyos na iyong pinaniniwalaan. Ang langgam na ito ay isasakay ako, at sa paglalakbay ay lalampasan ang lahat ng iyong hilahil at pagdaramdam, upang makatagpo ka sa iyong paraiso. Hindi mauunawaan ng dibinong plano ang sigasig ng langgam, na habang lumalakad ay kusang [...]

Ang Pangako

Ang Pangako Kung mangangako sa mariposa ang lupain, ibibigay nito ang lahat ng bulaklak na ang bawat pangalan ay taglay ang gunita ng ugat at pakpak o katas at sugat. Mapapahalakhak ka, at marahil ay iiling, sapagkat maaaring iyan din ang ginagawa mo, at maghahanap ng mga pako para sa bagong mga pangako na ang [...]

Ang Espiya ng Pamahalaan

Banayad na pandarahas na maituturing ang pinakabagong pakana ng pamahalaan na tiktikan ang Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera. Kahapon, nahuli ng mga security guard ng Mapayapa Village ang isang ahente ng Hukbong Dagat ng Filipinas na kumukuha ng retrato ng bahay ni Lumbera, samantalang nakatakas ang dalawang kasapakat nito. Nagngangalang Korporal Hannibal Mondido Guerrero, [...]

Ang Talumpati ni Sen. Panfilo M. Lacson

Isa sa mga pribilehiyo ng pagiging senador ay ang pagkakaroon ng pagkakataong makapagtalumpati na maaaring may kaugnayan sa pagpapasa ng batas, pagmumungkahing hakbang sa mga panukala o imbestigasyon, at sa mga sukdulang sandali, ay tuligsain ang sinumang tao o institusyong ipinapalagay na baluktot ang pagkilos alinsunod sa itinatadhana ng batas at moralidad. Binasa ko nang [...]

Tanawin at Balag ni Mario Azzopardi

salin ng “Kannizzata” ni Mario Azzopardi, batay sa saling Ingles ni Grazio Falzon salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo Balag Sa tuktok ng sumilang na batuhan, isang patse ng dugo ang tanda ng pagpanaw ng tao na kinain ng dagat. Sa pagitan ng mga balag na sinilip ko’y may isang babaeng lastag gaya ng [...]

Gawad Nobel

Salin at halaw sa tula ni Boris Pasternak Salin  at halaw sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo, batay sa saling Ingles nina Jon Stallworthy at Peter France. Gawad Nobel Gaya ng halimaw sa panulat, naibukod ako Sa aking mga kaibigan, kalayaan, araw, Ngunit lumulusob ang mga mangangaso. Wala akong ibang pook na matatakasan. Maitim na [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers