Kontra-Imperyalistang Pagdulog sa “Bulalakaw ng Pag-asa” ni Ismael Amado

Nakapanghihinayang at nagpahinog nang matagal sa bodega ng kasaysayan ang nobelang Bulalakaw ng Pag-asa (1909) ni Ismael A. Amado, at may pambungad ni Iñigo Ed. Regaldo. Noong 1918, pagkalipas ng sampung taon, saka pa lamang ilalantad sa madla ang aklat. Ito ay batay na rin sa pagsunod ni Amado sa payo ng matatandang manunulat na [...]

Digmaan ni Arthur Rimbaud

salin ng tulang tuluyang “Guerre” ni Arthur Rimbaud, at mula sa Poesies Completes (1895) na may pambungad ni Paul Verlaine salin sa Filipino mula sa orihinal na Pranses ni Roberto T. Añonuevo Digmaan Yamang bata, may tiyak na kalawakang nagpapatalas ng aking paningin: lahat ng katangian nito’y sumasalamin sa aking pagmumukha. Napupukaw ang kababalaghan. Sa [...]

Bangin ng Alinlangan ni Marchiesal Bustamante

Pananaw sa espasyo at panahon ang mahalagang pagtuunan sa tula ngunit malimit nakakaligtaan sa mga pag-aaral. Ang espasyo na ginagalawan ng persona sa tula ang magpapahiwatig ng pagbabago sa mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng katauhan ng persona. Makapagpaparamdam din ito ng masinop na paglalarawan, na ang bawat hulagway [imahen] ay maaaring pumipilas [...]

Ang Matandang Lalaking Umiibig

Ang Matandang Lalaking Umiibig Ang matandang lalaking umiibig ay maaaring nakakalbo o pinilakan ang buhok, ngunit taglay niya ang sidhi ng karunungan at pag-iingat habang nilalandas ang lalim ng pusod at tarik ng iyong mga bundok. Ang matandang lalaking umiibig ay nagkakaulap minsan ang mga mata, gayunman, hindi siya matatakot lumusong at umaninag sa pasikot-sikot [...]

Pagtatanggol sa National Artist Reward

Kahanga-hanga ang ginawa ng Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa panghihimasok nito sa pagpaparangal ng Orden ng Pambansang Alagad ng Sining ngayong taon. Napatunayan ng butihing pangulo na ang kaniyang kapangyarihan ay kayang yumanig at bumiyak sa hanay ng mga alagad ng sining, at magtakda ng sariling pamantayan at panlasa batay sa rekomendasyon ng kaniyang Lupon ng [...]

Wakas ni Darna

Sumapit ang panahong nagsawa na si Darna na sagipin ang daigdig mula sa mga kuko ng lagim, at problema niya ngayon kung paano iluluwa ang mahiwagang bato. Pinilit niyang dumuwal, dumuwal na tila nagdadalang-tao, ngunit imbes na bato ang lumabas sa kaniyang bibig ay hinanakit sa kapangyarihang mula sa malayong daigdig. Kung dalisay na puso [...]

Pangitain at Kalapati ni Ivan Yakovych Franko

salin ng dalawang tula ng makatang Ukrainian Ivan Yakovych Franko (1856-1916) salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo Ang Kalapati Nakaupo ang ermitanyo sa kaniyang ulilang selda, Malayo at nasa puso ng sinaunang liblib na kahuyang Walang maririnig kundi ang huni o siyap ng mga ibon, At bulong ng mga dahon habang taas-baba ang simoy. [...]

“Ang Mason” ni Louis Bertrand

salin ng “Le Maçon” ni Louis Bertrand (na kilala rin sa pangalang Aloysius Bertrand), mula sa kaniyang aklat na Gaspard de la Nuit (1845) salin sa Filipino mula sa orihinal na Pranses ni Roberto T. Añonuevo Ang Mason Punong Mason: “Tingnan ang mga moog at haligi; iisipin ng iba na nilikha ang mga ito para [...]

Ang mga Barko

Salin ng “Τα Πλοία” (The Ships) ni C.P. Cavafy, batay sa saling Ingles nina Edmund Keeley/Dimitri Gondicas mula sa kanilang aklat na The Essential Cavafy (1995) salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo Ang mga Barko Mula sa guniguni tungo sa Busilak na Papel. Mahirap ang pagtawid, mapanganib ang tubigan. Munti sa unang malas ang [...]

Paghahambing at Pagtatambis sa Tula ni Benilda S. Santos

Pagwawangki [simile] ang karaniwang ginagamit sa tula upang paghambingin ang mga katangian ng dalawang bagay at ilantad ang mga pagkakahawig nito. Ginagamitan ang pagwawangki ng mga katagang, “tulad ng,” “gaya ng,” at “parang” para itampok ang tahasang tumbasan. Maihahalimbawa ang “Si Pedro ay gaya ng robot,” na si Pedro ay tuwirang inihahambing sa robot sa [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers