Kumikislot ang gitara sa sulok ng silid, at narinig ito ng binatilyong marahil ay nagdedeliryo sa pangangarap. Lalapitan niya ang gitara at ang gitara’y lalandi, hanggang ito’y maghunos na eksotikong leopardo na may tinig ng dalagita na kinikilig sa haplos ng simoy at gabi. Aawit ang halimaw na makapupukaw sa kawan ng kambing at itik. [...]
Filed under: tula,tula ni Roberto T. Añonuevo,Tulang Filipino,Tulang Tuluyan | Minarkahan: gitara,idyoma,musika,pahiwatig,rakista,rakrakan,rock & roll,talinghaga,tula,tunog | 7 Puna »
