Balatong Pampolitika

Mataas na pagkilala na maituturing ang pagtanggap ng anumang gawad o parangal, lalo kung may kaugnayan sa sining. Nagiging matamis ang gawad kung karapat-dapat tumanggap ang isang alagad ng sining, gaya ng manunulat o pintor o eskultor o kompositor, at ang mga kasama niya sa larang ay umaangat din kahit paano ang estado dahil pinagpupugayan [...]

Halimbawa ng Talumpati

Magandang halimbawa ang pangwakas na State of the Nation Address (SONA) ng Pang. Gloria Macapagal Arroyo kung paano sumulat ng masamang talumpati. Ang kaniyang talumpati ay gumamit ng mga pamamaraan para makaakit ng mga tagapakinig mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, na maaaring sagapin ang kaniyang pananalita bilang kahanga-hanga at pambihira sa isang panig, [...]

Salin at Salinan: Ilang Panukala sa Pagpapaunlad ng Panitikang Pambansa

Maikli ang tradisyon ng pagsasalin sa Filipinas, kung sasangguniin ang aklat ng talasangguniang binuo ni Dr. Lilia F. Antonio. Pinamagatang Apat na Siglo ng Pagsasalin (1999), ang aklat ay sinikap na tipunin ang lahat ng saling akda na pawang nalathala sa Filipinas, bagaman masasabing marami din ang nakaligtaang mapabilang sa talaan. Magbubunsod ang ganitong pangyayari [...]

Itim na Alamid

(matapos basahin ang mga tula ni Horacio Quiroga) Nakadapa ang mga ligáw na alamid sa damuhan, nang silipin ko mula sa aking bintana, at ang kanilang kapanatagan ay nagkukubli ng likot at landi na aking inaasahan tuwing takipsilim. Kabilugan ng buwan, at ang sinag nito ay waring ibig ibunyag ang malasutlang balahibo at damong-kalabaw. Isang [...]

Higit na Mautak si Zorro

Higit na Mautak si Zorro ( “El Zorro en más sabio” ni Augusto Monterroso Salin mula sa orihinal na Espanyol ni Roberto T. Añonuevo) Naaburido isang araw si Zorro dahil sa hirap at lungkot, kaya nagpasiya siyang maghunos na manunulat, na pinagbuhusan niya ng loob kaagad, dahil nayayamot siya sa tao na magsasabi ng isang [...]

Mga Siyokoy na Salita

“Siyokoy” ang taguri ni Virgilio S. Almario sa mga salitang hiram sa Espanyol o Ingles na sablay ang pagbaybay sa Filipino. Ibig sabihin, mahirap iyong mabatid kung Espanyol ba o Ingles ang pinagbatayan ng panghihiram. Maituturing ang salita na alanganin at di-tiyak ang anyo kumbaga sa tao o hayop o halaman. Halimbawa na rito ang [...]

Chess at Tula para sa mga Kabataan

Mapaghahalo ba ang chess at tula? Mahirap itong sagutin, ngunit maaaring magsimula sa pangyayaring ang chess at ang tula ay kapuwa gumagamit ng matalas na lohika at malalim na guniguni. Hinihingi sa chess ang kabihasaan sa teorya ng atake at depensa, mulang pangunang tira at sakripisyo ng piyesa hanggang pagsalakay na may kombinasyon ng mga [...]

Rakrakan

Kumikislot ang gitara sa sulok ng silid, at narinig ito ng binatilyong marahil ay nagdedeliryo sa pangangarap. Lalapitan niya ang gitara at ang gitara’y lalandi, hanggang ito’y maghunos na eksotikong leopardo na may tinig ng dalagita na kinikilig sa haplos ng simoy at gabi. Aawit ang halimaw na makapupukaw sa kawan ng kambing at itik. [...]

Sampung Kaibig-ibig sa Pasig

Maituturing na isa sa matatandang pook ang Pasig, kung pagbabatayan ang mga arkeolohikong tuklas, at mayaman ang kasaysayan nito mulang pagsusulong ng kalakalan hanggang pagtataguyod ng kaalaman tungong pagkakamit ng kalayaan noong nakaraang himagsikan at aklasang bayan. Masigasig din dati ang mga lokal na historyador sa pagsasaliksik, gaya ni Dean Carlos Tech, at naitala kahit [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers