Kahulugan ng Talinghaga

Binanggit ni Lope K. Santos ang apat na katangian ng katutubong pagtula, at kabilang dito ang tugma, sukat, talinghaga, at kariktan [Santos: 1929]. Mahaba ang kaniyang paliwanag sa kapuwa sukat at tugma, ngunit manipis ang talakay hinggil sa talinghaga at kariktan. Hindi malalayo ang pag-aaral nina Julian Cruz Balmaseda at Iñigo Ed. Regalado sa pag-aaral [...]

Halimbawa ng De La Salle University

Maagap ang tugon ng De La Salle University hinggil sa kaso ng pagkakahawa ng isang dayuhang estudyante na tinamaan ng A(H1N1) virus, na uri ng trangkasong nagmula sa baboy. Ito ang dapat gayahin ng ibang paaralan, sakali’t lumaganap ang sakit nang maiwasan ang epidemya. Ayon sa aking nasagap ay isang Hapones ang nahawa, bagaman hindi [...]

Ang Problema ni Antonio Calipjo Go

Tinangkilik ng Philippine Daily Inquirer ang krusada ni Antonio Calipjo Go laban sa mga teksbuk na hitik umano sa mga pagkakamali. Na maganda sa isang panig, ngunit kung wawariin nang maigi ay higit na masisipat na pampolitikang hakbang iyon sa larangan ng paglilimbag ng teksbuk kaysa pagpapataas ng kalagayan ng edukasyon sa Filipinas. Hindi nabibigyan [...]

Elegansiya ng Ligoy sa “Currimao Fiesta” ni Alwynn C. Javier

“Ligoy” ang isa sa mga kahanga-hangang katangian ng Filipino, na ibinatay nang malaki sa Tagalog at sinuhayan ng mga lalawiganing wika sa Filipinas. Tumutukoy ang “ligoy” sa di-tuwirang paraan ng pagsasabi ng kahulugan, at ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkasangkapan sa pahiwatig, talinghaga, at sagisag na pawang matalik sa loob ng mga nag-uusap. Sa pag-aaral [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers