Ang Pantalan ni Derek Walcott

Isinilang noong 1930 sa Santa Lucia ng Caribbean si Derek Walcott na kinikilalang makata, mandudula, at peryodista. Nakamit niya noong 1988 ang Medalyang Ginto ng Reyna para sa Tula, at ginawaran ng Premyong Nobel para sa Panitikan noong 1992. Heto ang isang halimbawa ng kaniyang tula, na pinamagatang “The Harbour” na isinalin ko sa Filipino. [...]

Apat na Tula ni Rumi

Makata, teologo, at hurista si Rumi na ang buong pangalan ay Mawlānā Jalāl ad-Dīn Muḥammad Balkhī, na kilala rin bilang Jalāl ad-Dīn Muḥammad Rūmī. Tumanyag siya sa pagsulat ng mga dakilang tulang mistikal, na pinagsasanib ang mga dibinong kaisipan at makalupang hulagway, na pawang umakit ng pansin ng laksa-laksang tao mula sa iba’t ibang panahon. [...]

Tatlong Tula ni Czeslaw Milosz

Makata, kritiko, at nobelista si Czeslaw Milosz na isinilang sa Szetejnie noong 1911. Kabilang sa kaniyang mga akda ang The Usurpers; The Captive Mind; Native Realm; The Issa Valley; at Emperor of the Earth: Modes of Eccentric Vision. Kasama sa kaniyang kalipunan ng mga tula ang Bells in Winter; Separate Books; at Unattainable Earth. Nakamit [...]

Balik-tanaw sa SONA ng Pangulo

Makasaysayan ang pahayag ng pangulo sa sambayanan doon sa Kongreso noong 2008 dahil ni isang salita ay walang banggit hinggil sa sining. Ang pagkawala ng sining ay maaaring senyales na ito ang unang nalalagas tuwing may krisis, at dapat ihuli sa priyoridad.  Samantala, ang edukasyon ay nabanggit lamang dahil sa paglulunsad ng malawakang pagpapakain sa [...]

Ang Sugo

Ipinadala siya ng Tsina sa Filipinas, at bilang iginagalang na akademiko’y napasok niya ang unibersidad ng estado. Noong una’y patango-tango lamang siya, waring muslák at walang alam, ngunit ang totoo’y higit niyang kabesado ang tesawro-diksiyonaryo ni Jose Villa Panganiban kung ihahambing sa karaniwang Filipino. Nanirahan siya nang ilang linggo sa Binondo, lumipat sa kung saang [...]

Tayutay ng Katangahan

Adelantado at salát sa locus standi ang petisyon nina Abogado Oliver Lozano at Evangeline J. Lozano-Endriano at Louis C. Biraogo hinggil sa pagpapawalang-bisa ng Resolusyon ng Mababang Kapulungan Bilang 1109 na nananawagan ng pagbubuo ng Constituent Assembly (Con-Ass). Hindi dapat repasuhin ang kaso ng mga naghabla dahil kulang ang kaganapan o kaangkupan ng kaso. Ito [...]

Ang Kambal na Nobela ni Lazaro Francisco

Nakalulugod ang balitang itatanghal ngayong taon na Pambansang Alagad ng Sining si Lazaro Francisco (1898–1980), ang isa sa mga dakilang nobelistang Tagalog ng kaniyang panahon. Taliwas sa inaakala ng iba, ang mga nobela ni Francisco ay magagaan ang rendisyon, at káyang maunawaan ng mga estudyante sa hay-iskul o kolehiyo. Ginamit na behikulo ni Francisco ang [...]

Buhawi ng Con-Ass Holes

Lumilikha ng buhawi ang Mababang Kapulungan nang pagtibayin nito ang Resolusyon Bilang 1109 na nag-aatas ng pagbubuo ng asambleang pangkonstitusyon nang walang pakikilahok ng Senado. Bagaman binibigyan ng awtoridad ng Konstitusyon ang batasan na susugan o baguhin ito, ang naturang awtoridad ay nakasalalay pa rin sa kapasiyahan ng taumbayang pinag-uugatan ng gayong kapangyarihan. Tumutukoy ang [...]

Pagbabago sa Sistema ng Produksiyon ng Teksbuk

Nangangailangan ng bagong sistema ang produksiyon ng sangguniang aklat, na tinatawag ding “teksbuk,” sa Filipinas. Ang pagsusuri ng teksbuk ay hindi dapat mauwi lamang sa pagsala at pagsinop sa mga maling gramatika, palaugnayan, gamit, katibayan, at konsepto ng mga salita, gaya ng malimit gawin ni Antonio Calipjo Go. Kailangan ang pagtataguyod ng mahigpit na proseso [...]

Ang Bagong Mananakop

Ang Bagong Mananakop (pagkaraan ng “The Conqueror” ni John Santos) Mabibigong ikubli ng naglalagablab na paningin ang balátkayô, na maaaring nakamapa upang saklawin itong kapuluan at ilihim ang kapalaluan. Mahuhubog ang maskara sa tuka ng dambuhalang banog, at ang barò na mahahaba ang manggas ay sinadyang ipinares sa primera klaseng pantalon mula sa Amerika o [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers