Ipinaskil noong Mayo 31, 2009 ni Roberto Añonuevo
Sinasalubong ng tag-ulan ang pasukan ng mga estudyante tuwing Hunyo. At sa panahong ito, muling ililitanya ang mga problema sa pasilidad at paaralan, ang kakulungan sa bilang ng guro at kagamitan, ang mabagal na burukratikong palakad sa Kagawaran ng Edukasyon, ang mga pagbabago at kung minsan ay kamalian sa mga sangguniang aklat, ang pagsisikip ng [...]
Inihanay sa: opinyon, sanaysay | Minarkahan: sanaysay, bayanihan, edukasyon, pangkat, pangkatang gawain, alternatibong pagtuturo, pagtutulungan | 3 Puna »
Ipinaskil noong Mayo 31, 2009 ni Roberto Añonuevo
Hiram na salita mula sa Espanyol ang “eskandalo” na ibinatay naman sa salitang Latin na “scandalum” na ang ibig sabihin ay “balakid, kasalanan.” Ang salita sa Latin, ayon sa diksiyonaryong internasyonal gaya ng Webster’s (1976), ay nagmula umano sa salitang Griyego na “skandalon.” Pangunahing lahok sa diksiyonaryo ang pakahulugang “kasiraan sa relihiyon sanhi ng taliwas [...]
Inihanay sa: Kritika, opinyon, pahayagan, sanaysay | Minarkahan: eskando, Filipino, konsepto, pahiwatig, pakahulugan, Puri, scandal, semiotika, semyotika, sex scandal, wika | 5 Puna »
Ipinaskil noong Mayo 28, 2009 ni Roberto Añonuevo
Maselang gawain ang paglalarawan ng mga tagpo, lalo kung ang mga tagpo ay nagpapahiwatig ng kung anong damdamin o kaisipan mula sa isang tiyak na persona. Ang tagpo ay maituturing na ekstensiyon ng persona, bagaman ang tagpo kung minsan ay maaaring taliwas sa ipinahihiwatig ng isip, loob, at kilos ng persona. Ang tagpong tinutukoy dito [...]
Inihanay sa: Kritika, Tulang Filipino | Minarkahan: tula, Kritika, sex, pahiwatig, pagtatalik, miyerkules de senisa, lunan, tagpo | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Mayo 21, 2009 ni Roberto Añonuevo
Pagtataksil sa simulain ng kilusang manggagawa ang umaalingawngaw sa mala-nobelang kathang Isa pang Bayani. . . (1915) ni Juan L. Arsciwals. Ngunit huwag akalaing hanggang doon lamang ang saklaw ng katha. Nakapahiyas nang pailalim sa obra ni Arsciwals ang sosyalistang pananaw sa pinakapayak nitong anyo, at humuhula ng napipintong himagsikang pumapabor sa uring manggagawa. Ibinaba [...]
Inihanay sa: Kritika, nobelang Tagalog, sanaysay | Minarkahan: Kritika, kuwento, nobela, katha, sosyalismo, manggagawa, pagtataksil, obrero, korupsiyon, panunuring pampanitikan, mala-nobela, unyon, proletaryo, unyonismo, puhunan, mamumuhunan, eskirol, Marxistang pananaw | 3 Puna »
Ipinaskil noong Mayo 20, 2009 ni Roberto Añonuevo
Isang uri ng sining ang pagpapatawa, at ang pagpapatawa ay maaaring isang anyo ng pang-uuyam, panlilibak, pagkutya, at pagtuligsa sa pinatutungkulan. Tumatalab ang pagpapatawa dahil maaaring ang mga ginagamit na salita, sagisag, kilos, at pagpapahiwatig ay batid ng kapuwa nagpapatawa at ng mga tao na nakikinig at nonoood o nagbabasa. Kinakasangkapan ng pagpapatawa ang taktika [...]
Inihanay sa: Kritika, sanaysay | Minarkahan: Filipina, Filipino, kasarian, kolonisasyon, komodipikasyon, mail order bride, midya, pagpapatawa, pananaw, pang-uuyam, satira, sex, siste | 2 Puna »
Ipinaskil noong Mayo 14, 2009 ni Roberto Añonuevo
Lingid sa kaalaman ng marami, ang salitang “búgaw” na katumbas ng “pimp” sa Ingles ay isang matandang salita sa Tagalog. Karaniwang ginagamit ito bilang panukoy sa pagtataboy ng mga ibon o hayop o tao palayo sa isang pook na pinagkukulumpunan nito. Sa pabalbal na paraan, ang “bugaw” ay hindi nagiging tagapagtaboy, bagkus mistulang tagapamagitan sa [...]
Inihanay sa: Kritika, aklat-suri, sanaysay | Minarkahan: baylarina, bugaw, kabataan, katha, layaw, mala-nobela, mananayaw, nobela, nobelang Tagalog, nobeleta, prostitusyon, Puta, sex, sex worker, trabaho | 1 Puna »
Ipinaskil noong Mayo 13, 2009 ni Roberto Añonuevo
Mahabang kuwentong matataguriang mala-nobela ang akdang Juan Masili o ang Pinuno ng Tulisan (1906, Luzonica Libreria) ni Patricio Mariano. Masasabi ito kung ang gagamiting pamantayan ay ang mahabang tradisyon ng pagsulat ng nobela sa Ewropa. Mura pa ang edad ng pagsulat ng nobela sa Tagalog noong bungad ng siglo 20, at ang mga manunulat ay [...]
Inihanay sa: Kritika, aklat-suri, sanaysay | Minarkahan: Babae, bandido, ginhawa, Inang Bayan, kalayaan, kasintahan, katha, kuwento, nobela, nobeleta, pag-asa, Pag-ibig, pagbihag, pagdakip, tulisan | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Mayo 11, 2009 ni Roberto Añonuevo
Maramihang produksiyon ang tatak ng kasalukuyang panahon, at ito ay umaayon sa tagapangalakal imbes na konsumidor. Isinasagawa ang maramihang produksiyon upang mahigit ang tubo sa produkto, mapabilis ang paglikha ng mga bagay, lumikha ng kumbensiyon o uso, magtaguyod ng pabrikang may monopolyo ng disenyo at tatak, magtatag ng malawakang kaayusan, at magpalaganap ng isahang panlasa [...]
Inihanay sa: Kritika, sanaysay | Minarkahan: custom, customization, customize, disenyo, imbensiyon, moda, pagkamalikhain, pagpapasadya, pasadya, talino | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Mayo 9, 2009 ni Roberto Añonuevo
Magsisilang ka nang taliwas sa nakagawian, at magigitla ang mga saksi sa pagsirit ng dugo mo’t pag-uha ng sanggol. Nakatadhana marahil ang suwerte sa apat na dingding ng silid, waring nagdiwang ang mga anghel sa kung saang lupalop, at ang pintuan ay nagbubunyag ng pambihirang daloy ng simoy at sinag. Ang suwerte ko, wiwikain mo, [...]
Inihanay sa: Tulang Tuluyan | Minarkahan: ina, magulang, nanay, pagmamahal, Tulang Tuluyan | 1 Puna »
Ipinaskil noong Mayo 6, 2009 ni Roberto Añonuevo
Paglalakbay, pakikikipagsapalaran, at paghuhunos ng inhinyerong nangangarap maging manunulat ang pinapaksa ng Hunyango sa Bato (2004) ni Abdon M. Balde Jr. Maluwag ang sipat ng pangunahing tauhan, at sa kaniyang pananaw ay mauungkat ang mga kontrobersiyal, at malimit maanomalya, na pagawaing-bayan at multi-milyong proyektong pang-inhinyeriya. Kabilang sa binanggit ang pamosong pagguho ng Ruby Tower sa [...]
Inihanay sa: Kritika, aklat-suri, nobela, panitikang Filipino | Minarkahan: Kritika, Bato, sanaysay, pagbabago, nobela, korupsiyon, panunuring pampanitikan, hunyango, inhinyero, pagawaing-bayan | Mag-iwan ng Puna »