Love Letter

Nakapaloob dito ang mga bituin, at ang sumulat ay nalalasing sa pagtingala sa kaniyang paraluman. Pasuray-suray ang mga salita, sumusuka ng mga talulot, at handang magpaamo ng mga anito sa sanlibong motel. Maaaring tukayo ni Beatrice ang dilag, ngunit hindi mo panghihinayangan kung siya man ay magpakilalang Ligaya o Soledad. Hahabulin ng mga pangako ang [...]