Brigada Paniki

BRIGADA PANIKI ang taguring pinauso sa radyo noon ng yumaong peryodistang si Louie Beltran, saka inilahok na pamagat sa isang tula ni Vim Nadera, at tumutukoy sa mga tao na malimit lumalabas ng bahay at tumatambay tuwing gabi, at pagsapit ng umaga’y matutulog hanggang hapon. Malikhain ang pagkakabuo ng termino, dahil hangga ngayon, nagbabalik ang [...]