Kumbento Boys, 1984

May panahong tinaguriang “Kumbento Boys” ang mga estudyante ng Pasig Catholic College (PCC), at marahil may kaugnayan dito ang pangyayaring parang nakakulong sa apat na pader ng kumbento ang naturang paaralan at katabi ng simbahan. Esklusibo noon para sa mga lalaki ang mataas na paaralan, at napakahigpit ng patakaran mulang pananamit at gupit ng buhok [...]