Pasasalamat sa Pakikiramay

Sa ngalan ng aming pamilya, nais kong magpasamalat sa lahat ng dumalo at nakiramay  sa iba’t ibang paraan nang pumanaw ang minamahal naming inang si Loreto Torres Añonuevo, 73, na higit na kilala bilang “Nanay Luring.” Nalulugod kami na nagtipon-tipon ang napakaraming tao na pumuno sa Arlington noong 12-13 Pebrero, at sumilip sa huling pagkakataon sa labi ni Nanay Luring. Kulang ang mga salita sa pasasalamat at pagkilala, at nawa’y magantihan namin kayo ng kabutihan sa ibang anyo, sa ibang panahon, at sa ibang pagkakataon. Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Mag-iwan ng Tugon