Hulagway

Maaaring ang larawan sa salamin ang larawan ko na gumagalaw gaya ng aking paggalaw. Gumagalaw ang larawan alinsunod sa bilis ng liwanag na pumapasok sa aking balintataw,  at maglalagos ang mensahe tungo sa salaan ng pagtanaw, hanggang lumapag sa utak at kolektibong tau-tauhan. Kakaway, sisigaw, at maglalakad ang larawan sa salamin. At ang salamin ay [...]