Ilang Pagbubulay sa Buhay

Nakaiinip ang kaibigan, kung ang iyong kaibigan ay pamamaalam, at ikaw ay nakatakdang mabuhay nang mahaba sa dapat asahan. ∞ ∞ ∞ Sumasayaw sa iyong paningin ang mga alaala ng sakate at sampagita, ang pagpapakain ng mga baboy sa kural, at ilang baryang iuuwi upang ipambili ng bigas at gulay. Iindak ka sa parang. At [...]

Alamat ni Tungkung Langit

Hindi makapaniwala ang mga tao noon na wala naman talagang langit at lupa. Ako, si Alunsina, at ang asawa kong si Tungkung Langit ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Kaming dalawa lamang ang pinag-ugatan ng buhay. Mula sa kaibuturan ng kawalan, itinakda ng aming kasaysayan ang paglitaw ng daigdig ng mga tao. Nabighani si Tungkung [...]

Ang Trahedya ng Bayani sa Pangwakas na Hudhud

Kalugod-lugod na proyekto ang Huling Hudhud ng Sanlibong Pagbabalik at Paglimot para sa Filipinas kong Mahal (2009, C&E Publishing) ni Rio Alma, ang alyas ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario. Sa nasabing akda’y muling itinatampok ang paghahanap ng mga butil ng hiyas sa Filipinas, at tinutuklas sa tatlong pananaw ang kaakuhan ng Filipino. [...]

Alamat ng Karagatan

Nainip sa ilalim ng karagatan si Amansinaya, ang bathala ng tubigan, noong musmos pa ang daigdig. Wala siyang makitang kaaya-aya, kundi ang malalamig na bato sa pusod ng dagat; o ang mapuputing buhangin sa gilid ng pasigan. Wala siyang makausap, at nayamot siya sa paglipas ng mga araw. Umulan man at umaraw, ang kaniyang kapangyarihan [...]

Isang Taon ng Alimbukad

Nakatataba ng puso ang pagsusulat sa Alimbukad, at hindi ko inaasahang makaaabot ito ng isang taon. Aaminin kong napilitan lamang ako noon na magsimula, dahil sa udyok ng mga kaibigang gaya nina Anwar at Christopher na pawang batikan sa kompiyuter. “Bakit di mo subukin?” untag nila sa akin. “Baka yumaman ka, at sumikat. . . [...]

Wakas ng Kapayapaan

Inilalantad ng digmaan sa Gaza ang maraming pananaw. At kabilang sa pananaw na ito ay ang pangyayaring ang digmaan ay hindi bakbakan ng dalawang panig lamang. Marami ang karamay at nadadamay, at kung minsan, nakikisawsaw, na parang ang digmaan ay tadhanang hindi maiiwasan. O kaya’y laro ng mga paslit, kung hindi man kulang sa bait. [...]

Tula bilang Asignatura at Protesta

Isang natutuhan ko sa tula bilang asignatura sa elementarya ay kailangan mo itong isaulo at bigkasin nang malakas, at lapatan ang tula ng angkop na kumpas, anyo, at arte na parang nag-aawdisyon ka sa pelikula kahit hindi mo ganap nauunawaan ang tula. Ipinagagawa sa amin ito ng aming guro sa elementarya, dangan lamang at pulos [...]

Talasalitaan ng Digmaan sa Gaza

Makabubuo ng mahabang talasalitaan hinggil sa nagaganap na digmaan sa Gaza at ang mga lahok dito ay malimit mababasa sa mga pahayagang palimbag at elektroniko. Ang mga lahok ay maaaring nakukulayan ng propaganda sa isang panig, na ang layunin ay kumbinsihin ang malaking populasyon na maniwala sa madugong operasyon ng Israel laban sa mga Palestino. [...]

Pasig sa Pananaw ni Lope K. Santos

Naisipan kong maghalungkat ng mga lumang papeles at natagpuan ko itong si Lope K. Santos (1879–1963). Si Santos, na isa sa mga dakilang tao na maipagmamalaki ng Pasig, ay mahusay na makata, nobelista, kritiko, sanaysayista, editor, dalubwika, organisador, at peryodista. Bukod dito’y naging gobernador din siya ng lalawigang Rizal (1910–1913) noong ang Pasig ay hindi [...]

Henosidyo sa Gaza at Pananahimik ng Daigdig

Nililipol ng Israel ang mga Palestino sa ngalan ng pagsupil sa Hamas, ngunit nananatiling tahimik ang gobyernong Filipinas, gaya ng nakatutulig na pananahimik ni Pang. Barack Obama. Nang atakihin ang Mumbai, halos magkoro ang pahayag ng mga pinuno at pangulo ng iba’t ibang nasyon o bansang pumapanig sa India. Ngayon, dinudurog ng Israel ang Gaza [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers