Iiwan mo ang pook na ito gaya ng bagáng na kusang napigtal sa gilagid; o dili kaya’y dahil sa pagmamahal na paulit-ulit sinusuklian ng batong tampalasan. Ipagugunita sa iyo ng mga lumang retrato ang sinaunang banggerahang naging kusina’t tanggapan; ang kural ng mga baboy na naging sála; at ang dalawang kuwartong pinaghihiwalay ng kurtina. Matapat [...]
Filed under: tula ni Roberto T. Añonuevo | Minarkahan: alaala,bagong buhay,paggunita,pagmamahal,pamamaalam,tahanan,Tulang Filipino,Tulang Tuluyan | 1 Puna »
