Ipinaskil noong Nobyembre 29, 2008 ni Roberto Añonuevo
Ano ang katangiang taglay nina Andres Bonifacio, Osama Bin Laden, Ho Chi Minh, at Mao Zedong? Lahat sila ay marunong tumula, at ginamit ang tula bilang kasangkapan sa paghahasik ng himagsikan. Sa kanilang mga kamay, ang tula ay hindi lamang nakalaan para kaluguran ng makata o kritiko, bagkus nakatuon para sa malawak na mambabasa na kayang umarok sa mga [...]
Inihanay sa: Kritika, Tulang Filipino, sanaysay | Minarkahan: Filipino, Tagalog, tula, makata, sanaysay, taumbayan, kalayaan, kasaysayan, bayan, katagalugan, kasarinlan, Inang Bayan, ginhawa | 2 Puna »
Ipinaskil noong Nobyembre 26, 2008 ni Roberto Añonuevo
Pinatunayan muli ng Kongreso na pinaghahari nito ang batas. At ang batas na ito ay batas na kilala lamang ng mayorya ng mambabatas, at salungat sa esensiya ng batas alinsunod sa panlipunang kasunduan. Ang pagboto ng mga mambabatas kung sapat ang nilalaman ng sakdal sa pagpapatalsik sa pangulo ay naninimbang sa atas ng partido, ayon [...]
Inihanay sa: opinyon, sanaysay | Minarkahan: batas, batasan, impeachment, kongreso, taumbayan | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Nobyembre 22, 2008 ni Roberto Añonuevo
Malikot, malandi, at marikit ang mga hulagway na iginuguhit ni Renata Domagalska. Sumasayaw sa kambas ang kaniyang mga binibini sa himig ng flamenco, at tatatak sa gunita ang mga mukhang animo’y namimighati ngunit nagmamahal. Marahas, mabilis, magaspang ang hagod ng mga kulay, mga kulay na bagaman mababansagan ng impresyonismo o ekspresyonismo ay ibig kumawala sa mga [...]
Inihanay sa: sanaysay, sining biswal | Minarkahan: damdamin, erotiko, hulagway, larawan, pagpipinta, painting, pintor, pintura, Poland, Polish art, sining | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Nobyembre 21, 2008 ni Roberto Añonuevo
Kailangang ihayag sa wikang Filipino ang Senate Joint Resolution No. 10, na nagpapanukala ng pagtatatag ng kakatwang uri ng Federalismo sa Filipinas at nang masuri ng taumbayan ang niluluto ng mga politiko at kasapakat nila sa lipunang sibil. Ang nasabing resolusyon ay nilagdaan nina Aquilino Q. Pimentel Jr., Edgardo Angara, Rodolfo Biazon, Pia Cayetano, Juan [...]
Inihanay sa: Kritika, sanaysay | Minarkahan: estado, federalismo, Filipinas., Filipino, kabansaan, kabuhayan, kahirapan, kalayaan, kasarinlan, multilingguwalismo, Philippines, pilipinas, wika | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Nobyembre 19, 2008 ni Roberto Añonuevo
Binabati ko si Iris Gem Li, ang awtor ng The Boy Who Touched Heaven (2007), sa kaniyang pagkakapanalo ng National Book Award para sa kuwentong pambata ngayong taon. Ang akda ni Iris ay nilapatan ng makukulay na ilustrasyon ni Sergio Bumatay III, na pambihira ang guniguni sa paghubog ng mga pook at hulagway. Dapat ko [...]
Inihanay sa: Kritika, kuwentong pambata, sanaysay | Minarkahan: kaligiran, kultura, kuwentong pambata, payyo, Banaue Rice Terraces, banog, agila, anuwang, unggoy, pagtuklas | 3 Puna »
Ipinaskil noong Nobyembre 17, 2008 ni Roberto Añonuevo
Nagbabanggaang pananaw ng mga babaeng mula sa magkaibang panahon ang pinapaksa ng nobelang Maling Pook, Maling Panahon. . . Dito Ngayon (1978) ni Liwayway A. Arceo. Unang nalathala at isinerye sa Liwayway ang naturang nobela, at pagkaraan ay inilimbag ng UP Press noong 1998. Umiinog ang istorya sa buhay ni Katy na mula sa dukhang [...]
Inihanay sa: Kritika, nobela, sanaysay | Minarkahan: Tagalog, Pag-ibig, sex, kuwento, nobela, katha, kabit, pagmamahal, henerasyon, pag-aasawa, kerida, tunggalian, halagahan | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Nobyembre 13, 2008 ni Roberto Añonuevo
Lumikha ng alingasngas ang mga artikulong sinulat ko na sagot sa mga akda nina Dr. Aurelio Agcaoili at Dr. Ricardo Nolasco. Inulan ako ng tawag, text, at email, na ang karamihan ay positibong tugon hinggil sa aking panig na nagpapaliwanag sa wikang Filipino. Ngunit may isang tao na gaya ni Dr. Jose Dacudao, na isa [...]
Inihanay sa: Kritika, sanaysay | Minarkahan: federalismo, Filipino, imperyalismo, intoleransiya, kabansaan, kalayaan, konstitusyon, multilingguwalismo, Tagalog, wika | 2 Puna »
Ipinaskil noong Nobyembre 12, 2008 ni Roberto Añonuevo
Hamakin at maliitin ang kakayahan ng Tagalog ang isang paraan ng pananakop na ginawa ng mga paring Kastila noong siglo 1600. Kailangang ipabatid ng mananakop na taglay ng sinisipat niyang “katutubo” ang sukdulang katangahan, kabaliwan, at kasamaan, samantalang ang nangangaral ang bukál ng dunong, ginhawa, at luwalhati. Mahalaga ang ganitong pagbubukod upang mabilog ang ulo ng sinasakop, mawalan siya [...]
Inihanay sa: Kritika, sanaysay | Minarkahan: Ama Namin, dasal, doktrina, idyoma, kolonisasyon, kristiyanismo, Kristiyano, krus, panalangin, relihiyon, talinghaga | 1 Puna »
Ipinaskil noong Nobyembre 9, 2008 ni Roberto Añonuevo
Wika ang isa sa mga paksang pinagbuhusan ng pansin ng mga makatang Tagalog noong bungad ng siglo 20. Ito ay dahil tanging Ingles at Espanyol lamang ang mga opisyal na wika sa Filipinas, na isang paraan ng pagsasabing “mga wikang pambansa,” na pawang ginagamit upang paikutin ang pamahalaan, edukasyon, negosyo, hukuman, militar, simbahan, at iba [...]
Inihanay sa: Kritika, Tulang Filipino, mga manunulat na Filipino, panitikang Filipino, sanaysay | Minarkahan: Tagalog, Wikang Filipino, wika, imperyalismo, kalayaan, pambansang wika, Ingles, kasarinlan, pakikibaka, Tagalogization, Tagalogism, tagalism | 12 Puna »
Ipinaskil noong Nobyembre 7, 2008 ni Roberto Añonuevo
Makalilikha ng parisukat na pintura kahit ang tipík-tipík na hulagway (i.e., imahen). Ang hulagway, kapag idinikit sa isa o mahigit pang bilang na hulagway, ay hindi lamang makapagbibigay ng isang ultimong sagot, gaya sa matematika. Bagkus ang kadena ng mga hulagway ay posibleng magkaroon ng mala-reaksiyong nuklear at ng sanga-sangang alamís, alinsunod sa timpál na [...]
Inihanay sa: Kritika, Tulang Filipino, sanaysay | Minarkahan: Filipino, tula, Kritika, talinghaga, Ibon, kalayaan, pagkain, timpi, timpal | Mag-iwan ng Puna »