Prosang Tagalog ni Jose Rizal

Kilala si Jose Rizal sa kaniyang prosang nasusulat sa Espanyol, ngunit nakasulat din siya ng ilang akda sa Tagalog. Magaan at madulas ang prosang Tagalog niya, bagaman masasabing malayo sa testura ng Tagalog nina Emilio Jacinto, Andres Bonifacio, at Francisco Balagtas. Pinakatampok na marahil ang Makamisa (1892), ang sinasabing karugtong ng El Filibusterismo (1891), at pinag-ukulan [...]

“Sa Ngalan ng Diyos” ni Faustino Aguilar

Mapanganib ang pluma ni Faustino Aguilar dahil niyayanig niya ang pundasyon ng simbahan at pamahalaan, at nagbubunyag ng mga kakatwang kaugalian, sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela. Isa sa mga makapangyarihang nobela niya ang Sa Ngalan ng Diyos (1911) na tumutuligsa sa ordeng Heswita, na kinabibilangan ng mga paring bumibilog ng isip at lumulumpo sa [...]

Ang Serbesa ng mga Manunulat

Alkohol ang bumubuhay sa maraming manunulat, ngunit walang kaugnayan ito sa husay nila sa pagsusulat. Pipiliin ni Nick Joaquin ang serbesa, na parang tropeo o bahagi ng kaniyang panlabas na porma sa publiko, at uuyaming para sa malalambot lamang ang red wine. Paborito naman ni Krip Yuson ang wiski, at sinasabayan ng hithit ng Camel. Malalakas tumoma noon [...]

“Mga Bathalang Putik” sa paghubog ni Liwayway A. Arceo

Iba ang kuwento ng pag-ibig sa kuwento ng romansa. Ito ang paniwala ni Liwayway A. Arceo nang sulatin niya ang nobelang Mga Bathalang Putik (1970) na isinerye sa Liwayway mulang 26 Oktubre 1970 at nagwakas noong 7 Hunyo 1971, bago isinaaklat ng New Day Publishers noong 1998. Sa nasabing nobela, ipinamalas ni Arceo ang iba’t [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers