Breaking News: Ricardo Nolasco, sinibak sa Komisyon sa Wikang Filipino

Nakahinga nang maluwag ang mga empleado ng Komisyon sa Wikang Filipino nang suspindihin ng Commission on Audit si Ricardo Ma. Duran Nolasco bilang pansamantalang punong komisyoner ng KWF noong 27 Oktubre 2008. Si Nolasco ang kontrobersiyal na puno ng KWF na nagsusulong ng patakarang multilingguwal ng pamahalaan, kahit labag sa Konstitusyon, at tandisang minamaliit ang Filipino bilang [...]

Candon: Isang Pagbasa sa Epiko ni Reynaldo A. Duque

Nakasisindak sa unang tingin ang epikong Candon (2000) ni Reynaldo A. Duque na nagwagi ng unang gantimpala sa timpalak ng Philippine Centennial Commission. Ngunit kapag binasa ang buong akda’y madaling sundan, gaya ng pagsubaybay sa isang nobelang patula. Nakapanghihinayang at hindi pinansin ng mga kritiko ang epiko ni Duque; at kahit sa hanay ng mga [...]

Kritika sa Multilingguwalismo at sa Pahayag ni Ricardo Nolasco ng Komisyon sa Wikang Filipino

Ayoko sanang patulan itong si Ricardo Nolasco, ang pansamantalang Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino, ngunit nagpapakalat na naman ito sa email ng kaniyang mga opinyon sa wika na marapat sagutin. Sumulat siya ng mahabang papel hinggil sa “Ilang popular pero mga maling hakahaka (sic) tungkol sa wikang pambansa at mga wika sa Pilipinas” [...]

Sa Sinumang Kakandidato na Pangulo ng Filipinas

Maraming matututuhan sa Amerika ang Filipinas mulang kampanya hanggang halalan sa pagkapangulo ng bansa. At ilan lamang ang sumusunod:
1. Kailangan ang bagong mukha ng politika. Ang asta ni Barack Obama ang inaasahan kong gagayahin ng ating mga politiko. Ang isang bagitong senador na tumakbong pangulo ng Estados Unidos, ang politikong naghahain ng bagong pananaw mula [...]

Ang Panahon ni Barack Obama

Ilang araw na lamang at mababatid na kung sino ang bagong pangulo ng Estados Unidos. Pinakaaabangan sa lahat ito, dahil nakasalalay sa susunod na administrasyon ang magiging patakaran ng Amerika hindi lamang para sa mga Amerikano kundi maging sa iba’t ibang bansa. Kung pagbabatayan ang sarbey, malaki ang posibilidad na magwagi ang koponang Barack Obama-Joe [...]

Filipino sa dila ng Tsino

Si James T.C. Na, kaliwa, kasama ang mga dakila.

Hindi ko dati pinapansin itong si James T.C. Na, na makatang nagsusulat sa wikang Tsino ngunit nagsisikap palagi na isalin sa iba’t ibang wika ang kaniyang mga tula. Nasabi ko ito dahil nahalata kong masagwa ang pagkakasalin sa Ingles ng ilan sa kaniyang mga tula, at yamang hindi ako [...]

Filipino at ang Wika ng Hukuman

Hinuhulaan kong pagkaraan ng 22–23 Oktubre 2008, magbabago ang pagtingin ng Korte Suprema sa paggamit ng wikang Filipino sa mga hukuman. Idaraos sa naturang petsa ang palihan at seminar sa Bulacan State University ukol sa paggamit ng Filipino sa mga paglilitis at pagdinig ng mga kaso, upang mapabilis ang pagbibigay ng katarungan sa mga Filipino.  Inaasahang [...]

Muling Pagbasa sa Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Nakalulugod at muling inilimbag ngayong taon ng Anvil Publishing ang nobelang Banaag at Sikat (1906; 1959) ni Lope K. Santos. Inuurirat ng nasabing nobela ang bisa ng kayamanan at kapangyarihan sa relasyon ng mga tao, at kung bakit nananatiling dukha ang marami. Ngunit higit pa rito, nagpapanukala ang nobela ng mga pagbabago sa pananaw, pagsusuri sa [...]

Balanse ng Salita sa Salawikain bilang Tula

Isa sa mga katangian ng sinaunang salawikain ay ang masinop at balanseng distribusyon ng mga salita sa isang saknong. Ang salawikain bilang tula ay hindi lamang ginagabayan ng katutubong sukat at tugma, bagkus kaugnay ang mga ito sa bilang ng mga salita sa bawat taludtod. Maihahalimbawa ang sinaunang kawikaang mahuhugot sa Vocabulario de la lengua [...]

Filipino: Paraan ng Pagtanaw at Pananaw

Ang salitang “Filipino” ay malimit nasa bingit ng tunggalian, mulang pagpapakahulugan hanggang pagsasabuhay. Tumutukoy ang “Filipino” rito bilang kapuwa tao at wika, at sa lahat ng kaugnay na katangian nito. Ipaliliwanag ng gaya ni Renato Constantino na ang “Filipino”  ay isang elitistang konseptong hitik sa pagpapakahulugang mapag-aglahi. Ito ang dating tawag sa mga Espanyol na ipinanganak [...]