Alunignig Matapos ang Setyembre 11

Magugunita ang toreng kambal na naglalagos sa laksang maláy: Dalawang tirík, mapulang sungay na sumusuwag sa aming bahay at gumigiba ng munting bayan upang angkinin ang aming buhay. O dili kaya’y gusaling garing na pinaguho ng mga martir; habang ang tili ng mga lawin ay nilalamon ng ulop, dagim. At magbabalik ang digma’t lagim upang [...]

Preso sa katha nina Benjamin P. Pascual at Benigno R. Juan

Maselang paksa ang buhay ng preso, kaya ginagamit itong materyal sa paglikha ng kuwento, tula, dula, pelikula, sayaw, awit, eskultura, pintura, at iba pang anyo ng sining. Maihahalimbawa ang mga akdang pampanitikan nina Benigno Ramos, Iñigo Ed. Regalado, Amado V. Hernandez, at Teo S. Buhain hanggang kina Wilfrido Pa. Virtusio, Benjamin P. Pascual, Benigno R. [...]

Ang Mundong Ito, ayon kay Edgardo M. Reyes

Pagtuklas sa sarili ang buod ng nobelang Ang Mundong Ito ay Lupa (2005, C&E Publishing) ni Edgardo M. Reyes. Si Ned, ang probinsiyanang muslak ngunit mapagsapalaran, ang pangunahing tauhang susuong sa daigdig na hitik sa sex, libog, balatkayo’t lagim ng paligid. Makikilala si Ned sa mga tauhang lalaking gaya nina Dick Almeda, Reggie Yumang, Bebot, Ben [...]

Binatilyo

(para kay Aman) Haharap ka sa salamin isang umaga, at ang hulagway sa loob ng salamin ay magwiwika ng bumubukad na bagwis. Lalabas sa iyong bibig ang kakaibang tilaok, kaya hihimasin mo nang may pagtataka ang maumbok na lalagukán. Maiisip mong naghunos ang iyong kayumangging balát, at ikaw ngayon ay waring tigulang na pumapaibabaw sa [...]

Gabi ng Manunulat sa Gawad Palanca para sa Panitikan

Dapat magbunyi ang daigdig, lalo ang hanay ng mga panitikero, tuwing may pinararangalang kapuwa manunulat, dahil ang manunulat ang nagbibigay ng buhay sa daigdig. Naisip ko ito nang dumalo ako sa Palanca kagabi, at uminom nang uminom at magpausok habang katabi ang mga manunulat na iba’t iba ang paniniwala, simulain, at ugat. Marami nang kabataan ang nakapasok sa ruweda, [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers