Gunita bilang Leksiyon sa tula ni Joseph de Luna Saguid

Makapangyarihan ang alaala dahil ito ang sisidlan ng nakaraan, ang nakaraang huhubugin ng mga tao na magpapataw ng kanilang angking pananaw sa daigdig kompara sa pananaw ng iba, ang magpapalaganap ng kapangyarihan, at ang magpapanatili ng kakatwang kalagayan ng pag-iral ng mga bagay, paniniwala, ideolohiya, kabuhayan, at katauhan. Hindi estatiko ang nakaraan, gaya lamang na [...]

Ang Pagsapit

Halakhak ng naghaharutang mga bata ang pumasok sa bintana, at nagdulot ng alimpungat sa isang huklubang babae. “Ang mga lintik!” nawika niya habang iniuunat ang makikirot na tuhod. Napaubo siya, at sumungaw ang dugo sa kaniyang ilong. Hindi niya naiwasang mapadahak, at nang dumura siya’y tila lumabas mula sa kaniyang baga ang naimbak na poot [...]

Panitikan, Kalayaan, at Bakbakan ng mga Manunulat

Isang mahalagang dokumento na itinatago ni Perfecto T. Martin na may kaugnayan sa paksang “Panitikan at Kalayaan” ang kaniyang inilabas sa baul bilang paggunita sa panahon ng Batas Militar ngayong taon. Nakatakda sanang ilathala ito sa isang isyu ng Ugat—ang opisyal na publikasyon ng Galian sa Arte at Tula (GAT)—noong dekada 1980 ngunit sinamang-palad na hindi [...]

Mani, Pag-ibig, at Kapalaran sa nobela ni Teofilo E. Sauco

Tampok sa nobelang Ang Magmamani (1924) ni Teofilo E. Sauco ang pakikipagsapalaran ng mag-inang pinaghiwalay ng tadhana ngunit pagbubuklurin muli dahil sa pag-ibig sa isang lalaki. Si Tentay (Vicenta Gomez) na mula sa alta sosyedad ay nabuntis ng kaniyang kasintahang si Ventura Villaroman, ngunit napilitang ipaampon ang kaniyang sanggol sa solterong si Ingkong Pinong na taga-Baliwag, Bulakan. Sisikaping palakihin [...]

Ang Balangkas ng “Sanaysaging” ni Epifanio G. Matute

Inimbentong salita ni Epifanio G. Matute ang “sanaysaging” na mula sa pinagtambal na mga salitang “sanaysay” at “saging,” at sumusunod sa yapak ng “Tanagabadilla” na mula sa pinagtambal na mga salitang “tanaga” at “Abadilla” na apelyido ni Alejando G. Abadilla. Kung ang “tanagabadilla” ay isang uri ng tanaga na pinauso ni Abadilla (na iba ang sukat, tugma, [...]

Balagtasan para sa Madla

Mababago ang topograpiya ng pag-aaral sa balagtasan nang ilathala ng Ateneo de Manila University Press ang Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya (1999) ni Galileo S. Zafra. Pambihira ang aklat ni Zafra dahil sa angkin nitong mapaghawang saliksik, sariwang pagbasa ng datos, at matalim na pag-urirat sa estetika at ugat ng balagtasan. Bagaman ang mga halimbawang balagtasan sa naturang aklat [...]

Mungkahi sa WordPress hinggil sa Pagsasalin sa Filipino

Kanina ko lamang napansin ang malaking pagbabago sa anyo ng WordPress na malimit kong puntahan. Isinalin na sa Filipino ang mga salitang dati’y sa Ingles lamang makikita, ang mga salitang may kaugnayan sa wika ng kompiyuter. Isang pambihirang himagsikan na naman ito sa himpapawid, at dapat tapikin sa balikat ang sinumang gumawa ng naturang proyekto. [...]

Filipino at ang Wika ng Pagtuturo

Hindi ko na sana papatusin ang usapin ng wika sa pagtuturo, ngunit nabasa ko noong 12 Setyembre 2008 ang pitak ni Maya Baltazar Herrera na pinamagatang Educating the Filipino sa Manila Standard Today at marapat sagutin. Payak lamang ang tesis ng kaniyang akda: Ingles ang dapat maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan, dahil ito ang wika [...]

Katarungan

“Hindi palusot ang kawalang-muwang sa batas,” sabi ng Dakilang Hukom, “upang labagin ang mga batas.” Ang problema’y isinulat ang mga batas sa tubig. At ang wika ng batas ay sadyang likido, at may gramatikang kabesado lamang ng gaya ng kompanyerong balyena, pating, at buwaya. Kaya huwag ipagtaka ang krimen at ang parusa. Tandaan: Ang sinumang [...]

Si Ferdinand E. Marcos at ang Panitikang Filipinas

Mananatili ang bangungot sa Filipinas hangga’t hindi naisusulat nang ganap ang panahon ng diktadura ni Pang. Ferdinand E. Marcos. Si Marcos ang ultimong politiko na bihasa sa paghawak ng kapangyarihan, ang kapangyarihang tatagos sa negosyo, militar, simbahan, edukasyon, mass media, barangay, sining, isports, turismo, ugnayang panlabas, timpalak pangkagandahan, imperyalismong US, rebolusyon, at ang pinakasukdulan ay [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers