Timawa at Kasal ng Dalawang Lahi sa nobela ni A.C. Fabian

Materyal para sa pelikula ang nobelang Timawa (1951) ni Agustin C. Fabian. Nasabi ko ito dahil sa masalimuot nitong banghay, pakikipagsapalaran ng mga tauhan, at pabago-bagong kaligirang tinambalan ng kapana-panabik na paglalahad. Higit pa rito, pinapaksa ng nobela ang nagaganap ngayon sa Filipinas: ang kasalatan ng mga mediko, ang kabulukan ng alta sosyedad, ang prostitusyon [...]

Panawagan sa mga manunulat mula sa UMPIL

Naging tradisyon na ng UMPIL (Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas) ang pagdaraos ng taunang kongreso ng mga manunulat. Tuwing huling Sabado ng Agosto, magkikita-kita ang mga manunulat anuman ang kanilang kulay, paniniwala, at simulain upang talakayin ang mahahalagang usaping may kaugnayan sa panitikan at pagsusulat sa kabuuan. Napakahalaga na dumalo sa kongreso ng UMPIL. [...]

Ang Editoryal bilang Lunsaran ng Panunuri

Ang karanasan ng pagsulat ng editoryal sa wikang Filipino ay mauugat sa pagkakalathala ng unang pahayagan sa Filipinas. Itinuturing na unang pahayagan sa Filipinas ang Del Superior Govierno na lumitaw noong 8 Agosto 1811, may 197 taon na ang nakararaan mula ngayong araw. Ngunit anim na buwan lamang ang itatagal ng nasabing pahagayang nasa wikang Espanyol at mamamaalam. [...]

Prosang itim at tulang tuluyan sa Filipino

Mauugat sa aking palagay ang tulang tuluyan sa Filipinas sa pagsilang ng “daglî” noong huling mga taon ng siglo 19 at unang dekada ng siglo 20. Tumutukoy noon ang “dagli” sa mga prosang alanganing kuwento at alanganing sanaysay, na binubuo ng ilang talata, at nagtataglay ng larawan o salaysay na nababalutan ng pananalinghaga. Malalathala ang [...]

Mahiwagang gamot sa “Pusong May Sugat”

Lapnos na mukha, durog na kalooban, at magkatunggaling angkan ang pinaghihilom ng bagong tuklas sa medisinang nakasaad sa nobelang Pusong May Sugat (1949) ni Iñigo Ed. Regalado. Maibibilang ang nobela sa mga kathang-agham (science fiction), ngunit ang pinakapuso ay paglilitis sa pagmamahalan ng magkasintahang pinaghiwalay ng kani-kaniyang propesyon at tadhana. Umiinog ang istorya kina Bienvenida [...]

Ang Dakilàng Makatà

Maálinsángan ngúnit nánanabík ang buông plása nang gabíng iyón. Nagsimulâ nang magtípon-típon ang mga táo. Nagháhabulán ang iláng batàng uhugin paikót sa mga kawáyang upúan. May limá o ánim na dalágang naghuhuntahan, hábang nágpapaypáy, sa tabí ng póste ng koryénte. Samantála, ang mga  binatà’y nagsimulâng umáwit ng kundíman, at tíla nagpápalipád-hángin. May mga tindérang naglalakò [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers