Hiwaga

Sasapit ka bilang sumisikip na lalamunan, at mauunawaan mo ang Maykapal.
Makalilimot ang Maykapal sa Kaniyang kaakuhan, at matatagpuan ang sarili sa kaloob-looban mo. Maaaring Siya’y naaawà sa iyo, dahil sino’ng kumakatok ang hindi pagbubuksan? Sino’ng tumatawag ang hindi pakikinggan?
Wiwikain ng Maykapal ang lahat ng iyong panalangin.
Masisiyahan ka sa pananahimik.
At ang iyong pananahimik ay lolobo nang [...]