Ika-34 Kongreso ng Unyon mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL)

Mga tumanggap ng Gawad Balagtas sa UMPIL Maringal na idinaos ang ika-34 Kongreso ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong Sabado, 30 Agosto 2008, sa GSIS Museum na nilahukan ng mahigit sandaang manunulat, guro, at estudyante. Tampok sa pagtitipon ang talakayan hinggil sa panitikan sa Asya, ang mga problemang kinakaharap ng mga manunulat [...]

Isang Pagdulog sa Rebisyon ng Tula

Pinakamahirap, sa aking palagay, ang yugto ng rebisyon ng tula sa buong proseso ng pagsulat ng tula; gayunman ay hindi yaon nabibigyan ng malalim na pag-aaral, lalo sa mga kursong malikhaing pagsulat. Kung minsan, ang rebisyon ay ipinupukol na lamang ng makata sa editor at tapos na ang lahat. Inaakala naman ng ibang manunulat na [...]

Pornograpiya, Kahalayan, at Panitikan

Iginagalang ko si Sen. Manny Villar bilang patron ng sining, ngunit sa pagkakataong ito ay nagdududa ako kung ano talaga ang pagpapahalaga niya sa sining at panitikan. Sa kaniyang Panukalang Batas bilang 2464, ang pornograpiya at kahalayan ay ituturing na kasong kriminal at may katumbas na mabigat na parusa sa sinumang mapapatunayang nagkasala. Mahaba ang [...]

Diyamante at ang kaso ng maling panghihiram

Napagpakuan ko minsan ng pansin ang isang teksbuk na pinamagatang Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan I (2004) nina Ailene G. Basa at Alma Dayag at inilathala ng Phoenix Publishing House, Inc. Marami akong napunang kahinaan ng teksbuk ngunit ang aking tatalakayin ngayon ay hinggil sa tulang “dyamante” na pinauuso ng nasabing teksbuk. [...]

Ang Paglalakbay

Magkabilang pader ng mga nitso ang nagpapaunawa sa kaniya ng sariwang hininga. Mga sisidlan ng mga pangalan, petsa, at lugar ang tila nagsasabing, “Heto ang direktoryo. Naliligaw ka ba?” Unti-unti niyang mararamdaman ang kilabot sa kung anong simoy, sa kung anong sinag, ngunit gaya ng nakagawian ay mapapailing lamang siya sa gumagapang na lamig sa [...]

Liham ni Pinay: Kritika sa tula ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Liham ni Pinay mula sa Singapore ni Ruth Elynia S. Mabanglo 1 Sugatan ang ngiti ko nang lisanin kayo 2 Malagim ang kahapon at malabo ang bukas 3 Ngunit kailangang ipakipagsapalaran 4 Kahit ang mga payak ninyong halik at yakap. 5 Malinaw na malinaw sa pananda 6 Ang paglalim ng pileges sa noo ni Ama, [...]

Ang Wika ng Kasunduan, Ang Wika ng Kapayapaan

Higit na makatutulong sa buong bansa kung ang naging wika ng kasunduan ng kapuwa Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay isinulat sa Filipino at hindi sa Ingles. Ang pagkakabalangkas ng “Memorandum of Agreement on the Ancestral Domain Aspect of the GRP-MILF Tripoli Agreement on Peace of 2001″ ay [...]

Ang Pormula ng Tanaga at Dalit

Nagsimulang mabuhay muli ang paggamit ng tanaga at dalít nang pausuhin ang mga ito ng gaya nina Ildefonso I. Santos, Alejandro G. Abadilla, at Teodoro A. Agoncillo bago at pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang nasabing mga tula—na katutubo sa Filipinas—ay matagal nang binanggit nina Iñigo Ed. Regalado, Lope K. Santos, at Julian Cruz Balmaseda sa kanilang mga [...]

Sagutang talinghaga hinggil sa lupa

Ang Sabi ng Matatanda Mag-aaway, gaya ng mga ilahás na hayop, ang magkakapatid dahil sa pamanang lupain ng kanilang mga ninuno. Itatakda ng batas, agham, at wika ang katwiran ng matatangkad na pader, at ang halaga ng lunggating teritoryal. Lingid sa mga sakim at hangal, ang lupang kanilang pinag-aawayan ay ang lupa ring tatabon sa [...]

Hiwaga

Sasapit ka bilang sumisikip na lalamunan, at mauunawaan mo ang Maykapal. Makalilimot ang Maykapal sa Kaniyang kaakuhan, at matatagpuan ang sarili sa kaloob-looban mo. Maaaring Siya’y naaawà sa iyo, dahil sino’ng kumakatok ang hindi pagbubuksan? Sino’ng tumatawag ang hindi pakikinggan? Wiwikain ng Maykapal ang lahat ng iyong panalangin. Masisiyahan ka sa pananahimik. At ang iyong [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers