Halugaygáy sa Panahon ng Globalisasyon

I. Sa unang malas ay alanganin sa panahon ang iniíwang bakás ng pananalinghaga ni Raúl Funilas. Mabilis siyang mababansagan, kung hindi man mapaparatangan, na alagad ni Francisco Balagtas sa sukdulang pakahulugan, sakali’t pagtuonan ang lalim o lawak ng kaniyang  bokabularyong hango sa Tagalog-Binangonan, at wala ni sa hinagap ng mga akdemiko’t kritikong nahirati sa wika [...]

Idyoma, talinghaga, at tayutay sa komunikasyon ng mga Filipino

Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Filipino? Ito ang isa sa maraming tanong na sinasagot ng Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino (2002) ni Melba Padilla Maggay. Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipag-usap ng mga Filipino, dahil nagmumula sila sa kulturang may mataas na uri ng pagbabahaginan ng kahulugan, kompara sa mga taga-Kanluran [...]

Kasarian, Silakbo, at Kapangyarihan sa mga Kuwento ni Bienvenido A. Ramos

Hindi na mabubura sa mga pahina ng panitikang Filipino ang pangalang Bienvenido A. Ramos, at may kaugnayan ito sa kaniyang mga kuwentong pumapaksa sa kasarian, silakbo, at kapangyarihan na pawang nalathala sa Liwayway at iba pang magasing komersiyal. Madidilim ang mga kuwento ni Ramos, ngunit ang gayong pangyayari’y nagkukubli lamang sa pagtatanggol ng puri, pagbawi [...]

Estetika at Pagtanaw hinggil sa Dalawang Lungsod

Maaaring tanawin ang lungsod sa iba’t ibang paraan, at isa sa rito ang pagtatanghal sa punto de bista ng isang tagalungsod na dumadama sa loob ng lungsod at tumatanaw papalabas ng sakop nito at tanging siya lamang makababatid. O kaya’y tingnan ang lungsod mula sa labas nito, nang sa gayon ay mabatid ang kabuuan ng [...]

Ang Tao bilang Diyos: Isang pagbasa sa tula ni Cirilo F. Bautista

I. Dapat ipagpaunang nagpasiya si Cirilo F. Bautista na magbalik sa pagsusulat ng tula sa wikang Tagalog, “makaraang makasulat nang sapat sa Ingles” at makalipas “makaahon [ang Tagalog] sa dusa ng pang-aalipusta.”1 May katotohanan ang unang dahilan ni Bautista, dahil siya ngayon ang itinuturing ng marami na pinakamahusay na makatang Filipinong nagsusulat sa Ingles sa [...]

Kung paano pumatay ng mga manunulat ng panitikan

Madali lamang ang pagpatay sa mga manunulat ng panitikan, at hindi kinakailangan ang armadong asesino. Nagaganap ito araw-araw, at dahil hindi naman pinahahalagahan ang panitikan sa ating bayan, hayaan ninyong magbigay ako ng ilang obserbasyon kung paano pumatay ng mga manunulat sa loob at labas ng paaralan. 1. Burahin ang matitinong nobelista, kuwentista, makata, at [...]

Matulaing Katha ni Manuel Principe Bautista

Mahigit animnapung taon na ang nakalilipas nang unang malathala sa mga magasin at pahayagan ang karamihan sa mga kuwento ni Manuel Principe Bautista, ngunit ang kataka-taka’y tila bulaklak iyong nananariwa tuwing babalik-balikan ng sinumang mahilig sa panitikang Tagalog. Ang tinutukoy kong mga kuwento ay nakapaloob sa Ang Bahay sa Kabila ng Daan (Mga Katha) na hindi [...]

Aves ni Jerry B. Gracio

Hindi ako nagulat nang magwagi ng Grand Prize si Jerry B. Gracio sa kategoryang tula sa Filipino sa nakaraang UP Centennial Literary Contest. Magaling na makata si Gracio, at walang kasarian ang kaniyang sining bagaman hitik kung minsan sa alusyon ng kabaklaan ang ilang tula niya. Nang maging editor ako sa Filmag (na dating Filipino [...]

Krimen at kaligtasan sa koridong Prinsesa Florentina

May kaibahan ba ang awit at korido? Wala, ani Damiana L. Eugenio, maliban sa wawaluhing pantig bawat taludtod at apatang taludtod bawat saknong ang korido, samantalang lalabindalawahing pantig bawat taludtod at apatang taludtod bawat saknong ang awit. Nasabi ito ni Eugenio matapos niyang suyurin ang mga pag-aaral sa dalawang anyo ng tula, at alamin ang [...]

Ang Tinubuang Lupa ni Teo T. Antonio

Maraming modelo ng pagbasa ang maaaring ilapat sa mga tula ni Teo T. Antonio (alyas ni Teodoro Teodoro Antonio). Pinakamalapit na marahil ang Bagong Formalismong Filipino na ipinanukala ni Virgilio S. Almario. Taglay ng naturang teorya ang tatlong salik: una, ang paglingon sa kodipikasyon ng tulang Tagalog mula kina Fray Gaspar de San Agustin, Fray [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers