Dalawang babae, dalawang pag-ibig, ayon kay Genoveva Edroza Matute

Maraming kuwentong naisulat si Genoveva Edroza-Matute, at sabihin nang marami rin ang sablay o mabuwáy, ngunit ang ilan sa matatagumpay niyang kuwento ay nalathala noong 1948-1949, may 60 taon na ang nakalilipas, ang panahon ng kaniyang kasibulan. Ang panahon ng pagsibol ni Matute ay kaugnay ng nagbabagong anyo ng lipunang Filipino, na dumanas ng digma [...]

Ang Mito ng Prinsesa Urduha

Nakalulugod na unti-unti nang nagsisimula ang pagbubuo ng mito ng mga Filipino, gaya ng animasyong Prinsesa Urduha sa larang ng pelikula. Inaakala tuloy ng nakararami na may katotohanan ang tala ni Ibn Batuta, nang maligaw siya sa Tawalisi (Pangasinan) mula sa paglalakbay sa Kakula, Java, Indonesia bago tumungo sa Tsina. Mahirap nang patunayan ang salaysay [...]

Ang Halaga ng Timpalak Pampanitikan

Mainit ang panahon ngayon, gaya lamang ng deliberasyon sa mga timpalak pampanitikang Palanca at UP Sentenyal, na sa aking palagay ay makatutulong nang malaki upang maitala ang mahuhusay na ani sa mga lárang na gaya ng tula, kuwento, nobela, sanaysay, at dula. Ang ganitong kainit na panahon ay bagay na bagay para sa pagbubukas ng [...]

Konsepto ng Puri at Paglikha ng Mito

Kung may isang konsepto mang paulit-ulit nagbabalik sa gunita ng taumbayan, iyon ay walang iba kundi ang “puri.” Ang “puri” ay maaaring sintayog ng pagdakila sa diyos, gaya ng masisilayan sa mga awit at korido. Ang “puri” ay maaaring ang “dangal” (i.e., honor) mismo ng tao, na minamahalaga ang paggalang at ang pagsang-ayon ng ibang tao. [...]

Malilikot na Kuwento ni Vicente Sotto

Kinakailangang tuklasin muli si Vicente Y. Sotto (1878-1950), hindi bilang isang kuwit sa kasaysayan o kaya’y tukayo ng komedyanteng aktor at senador, bagkus bilang panitikerong maipagmamalaki ng mga Sebwano. Itinuturing na “Ama ng Panitikang Sebwano,” si Sotto ay humawan ng landas sa pagiging peryodista, dalubwika, mandudula, at kuwentista. Magandang simula ang mga pag-aaral ni Resil [...]

Mga salawikain na tinipon ni Iñigo Ed. Regalado

Isa sa mga iniidolo kong manunulat si Iñigo Ed. Regalado, dahil hindi lamang siya primera klaseng makata bagkus mahusay ding sanaysayista, nobelista, kuwentista, kritiko, at peryodista. Naging guro at puno sa kagawarang Filipino si Regalado sa University of the East, Far Eastern University, at Centro Escolar University noong tanyag siyang manunulat, at malimit imbitahan sa [...]

Ang siste sa “Ale-aleng Namamayong”

May 82 taon na ang nakararaan nang sulatin at mailathala sa Sampagita ang tulang “Ale-aleng Namamayong” (1926) ni Julian Cruz Balmaseda. Maituturing ang tula na laan sa mga bata, at ang himig nitong mapagpatawa ay pinagagaan ang dating ginagawang pagpapalipad-hangin ng mga binata sa dalagang sinisinta o inaasinta. Sa “Ale-aleng Namamayong,” ginamit ni Balmaseda bilang [...]

Apokripos ng Bagong Baklang Bumabangon

Kumukurot sa guniguni, kung hindi man sa utong, ang Apokripos (2006) ni Jerry B. Gracio na dapat subaybayang makata at manunulat ng panahong ito. Bagong baklang bumabangon sa paningin ang ipinamamalas ni Gracio sa kaniyang mga tula, at yumuyugyog sa dati nang de-kahong pagtingin sa mga bawal na pag-ibig, makahayop na pagnanasa, at matimyas na [...]

Ang Manipestong Komunista sa Dila ng Filipino

Ginugunita ngayong taon ang ika-160 pagkakalathala ng Ang Manipestong Komunista  (1848)  na pinaniniwalaang magkatuwang na kinatha nina Karl Marx at Friedrich Engels, ngunit napakatahimik sa Filipinas, at inisip kong nakaligtaan na nang lubos ang akdang umugit nang malalim sa kamalayan ng organisadong hanay ng mga manggagawang Filipino. Maaaring lipas na para sa iba ang ganitong [...]

Panitikan at Pagsilang

Unti-unting naglalaho sa akademikong kurikulum mulang elementarya hanggang hay-iskul ang panitikan, ngunit waring hindi nababahala ang mga awtoridad. Marahil, naiisip din nilang wala naman talagang halaga ang panitikan sa ating buhay, at isa lamang iyong paraan ng pang-aliw sa sinumang nababato’t walang magawang tao. Ngunit ibig kong maghain ng ilang argumento—kaugnay ng unang binanggit ni [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers