Eskultura at Erotika

Ginulat ako isang araw ni Raul Funilas sa pagbubukas ng kaniyang munting galeriyang tinawag na “Eskultula ni Tata Art Gallery” sa Don Antonio Heights, Lungsod Quezon. Itinanghal niya sa unang pagkakataon ang kaniyang koleksiyon ng mga eskultura na yari sa bronse, kahoy, bato, kongkreto, plaster, at iba pang midya. Ang kakatwa’y tinambalan ni Tata Raul—na magiliw [...]