Dilang-Anghel at ang Panitikan

Muli na naman tayong ginigitla ni Fr. Arnel S. Vitor sa pamamagitan ng kaniyang pinakabagong aklat na Dilang-anghel (2007) na karugtong ng Bulong Pari (2005). Kung babalikan ang Bibliya, ang “dilang-anghel” ay may pinakamalapit na alusyon sa 1 Corinto 13:1, ngunit maihahakang literal na salin lamang o malikhaing halaw ang taguring “dilang-anghel” na mula sa [...]

Prehuwisyo at Kamangmangan

Magkaugnay ang pusod ng prehuwisyo at kamangmangan, at malimit isinisilang ang prehuwisyo dahil sa kamangmangan. Ang kamangmangan ay maaaring hatid ng kasalatán—kung hindi man sinasadya o di-maiiwasang pagtanggi—sa pagsagap ng mga bagay na maaaring pumasok sa limang pandama. Ang kamangmangan ay maaaring magsimula sa sarili na nagkaroon ng gawîng batay sa hinuha o kutob na [...]

Hudhud ng makabagong Ifugaw

Isa sa mahahalagang aklat ang Oral Literature of the Ifugao (2005) ni Manuel B. Dulawan, ngunit sa kasamaang-palad ay nalilingid sa kaalaman ng nakararami. Nakapaloob sa naturang aklat ang ugat, kasaysayan, at kaligiran ng Ifugaw, at ipinaliliwanag nito ang sari-saring ritwal tulad sa pagsasaka, pagdarasal, paggalang sa yumao, pagbubuo ng pamayanan, at pagsasaayos ng mga [...]

Lindol at iba pang pangitain

Nakahihindik ang mga imaheng ipinalalabas sa telebisyon hinggil sa malagim na lindol na sumapit sa Tsina noong nakaraang linggo. Nagiba ang mga gusali at bahay, bumuka ang lupa, at gumuho ang mga bundok at dalisdis. Sa pananaw ng mga mapahiin, senyales iyon ng baluktot na patakaran ng pamahalaan laban sa Tibet o Sudan at iba [...]

Mga Ibong Mandaragit at prehuwisyo sa panitikang Filipino

Kahanga-hanga ang artikulo ni Connie Veneracion sa pahayagang Manila Standard Today (“The Birds of prey and Batjay,” 29 Abril 2008), at muling inihayag niya ang kaniyang prehuwisyo laban sa kapuwa panitikan at wikang Filipino nang walang pangingimi sa angking katangahan. May kaugnayan ang kaniyang artikulo hinggil sa nobelang Mga Ibong Mandaragit (1969) ni Amado V. [...]

Eskultura at Erotika

Ginulat ako isang araw ni Raul Funilas sa pagbubukas ng kaniyang munting galeriyang tinawag na “Eskultula ni Tata Art Gallery” sa Don Antonio Heights, Lungsod Quezon. Itinanghal niya sa unang pagkakataon ang kaniyang koleksiyon ng mga eskultura na yari sa bronse, kahoy, bato, kongkreto, plaster, at iba pang midya. Ang kakatwa’y tinambalan ni Tata Raul—na magiliw [...]

Hinilawod at Resureksiyon

May 35 taon na ang nakalilipas, itinanghal sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ang operang Hinilawod na batay sa epikong Panay. Ang nasabing epiko ay matapat na itinala ni F. Landa Jocano, na isang antropologo; isinadula at hinalaw ng batikang manunulat na si Iñigo Ed. Regalado; nilapatan ng musika ni Alfredo S. Buenaventura; at idinirek sa [...]

Hidden Garden sa Vigan

Nagbalik kami sa Vigan noong nakaraang linggo, at nanlumo ako sa nasaksihan. Ang Vigan na natatandaan ko may 15-18 taon na ang nakalilipas ay hindi na ang Vigan ngayon, bagkus tila pira-pirasong hulagway, na malayong-malayo sa napakarikit na Vigan Album (2002) ni Esperanza B. Gatbonton at iba pang aklat pangkasaysayan ukol sa naturang lugar. Maalinsangan [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers