Uhaw ang Tigang na Lupa

Ipagdiriwang sa 8 Mayo 2008 ang ika-65 taon ng pagkakalathala ng maikling kathang “Uhaw ang Tigang na Lupa” (1943) ni Liwayway A. Arceo. Mahalaga sa aking palagay ang nasabing araw dahil iyon ang magbubukas ng pinto kay Liwayway sa daigdig ng panitikang Tagalog, at pagkaraan, sa panitikang Filipino sa kabuuan. Pambihira ang hagod ng mga [...]

Pingkian ni Lamberto E. Antonio

Nasambit minsan ni Lamberto E. Antonio na sa kaniyang mga nasulat na libro, ang Pingkian, “ang sumasagisag sa mahigit apat na dekada ng aking pakikipagtuksuhan at pakikipag-iringan sa buhay at panitikan.” Sa mga di-pamilyar sa panulaang Filipino, ang Pingkian ang bersiyon ng epiko ni Lamberto hinggil sa buhay ni Emilio Jacinto, at binubuo ng 1,412 [...]

Mga Bituin sa Pinilakang Tabing

Nakapusod ang buhok at habilog na mukha, na binagayan ng maiitim na kilay at malalantik na pilik, bukod sa matangos na ilong, ngiting taglay ang labing mapupula, at ngiping simputi ng garing, ang alaala ni Gloria Romero sa kaniyang kasibulan. Si Gloria, na bituin ng Sampaguita Pictures noon, ang babaeng ilalaban ng patayan ng sinumang [...]

Salin-awit, halaw na awit

“Salin-awit” ang taguri ng ilang manunulat na nahihilig humalaw ng mga banyagang awit sa Ingles at ilapat iyon sa Filipino. Sa mahigpit na pakahulugan, hindi naman talaga “salin” ang ginagawa ng mga manunulat na Filipino bagkus malikhaing paghalaw (adaptation); at ang orihinal na awit ay napaghuhunos sa panibagong katauhang nakadamit sa talinghaga at dalumat ng [...]

Haibun: Balintunang Pagpapalaya sa Panulaang Filipino

May mga bagay na kailangang patusin, at isa na rito ang sanaysay na “Haibun: Panimulang Pagpapakilala at Pagpapalaya sa Panulaang Filipino” ni Reuel Molina Aguila na nalathala sa Likhaan 2007 na pinamatnugutan ni Jose Dalisay Jr., at inilathala ng UP Institute of Creative Writing. Kahanga-hanga ang akda ni Aguila, dahil taglay nito ang balintunang pagpapalaya [...]

Science fiction at Panitikang Tagalog

Kathang agham (science fiction) ang nauuso ngayong uri ng kuwento at nobelang kinakagat ng kabataan. Ang nasabing uri ng akda ay hindi totoong pinasimulan ng ilang kabataang manunulat sa Unibersidad ng Pilipinas o Ateneo de Manila University. May pinag-ugatan iyon sa Tagalog, at ugat na marapat lingunin ng sinumang nagtatangkang pumalaot sa gayong pagkatha. Maaaring [...]

Baguio ng mga Manunulat

Mahalumigmig sa Camp John Hay nang magtungo ang mga piling manunulat at sumailalim sa mahigpit na palihang ibinunsod ng Institute of Creative Writing noong 6-13 Abril 2008 kaugnay ng Sentenyal ng Unibersidad sa Pilipinas. Gayunman, umaasó ang talakayan, gaya ng kapeng barako na bagong hango sa lutuan. Kabilang sa mga kalahok, ayon sa paalpabetong pagkakasunod-sunod, [...]

Pagsulat ng Blog

Hindi ako eksperto sa pagsulat ng blog, at ibig kong matuto sa maraming kabataang adik na adik hinggil dito. Nais kong sagapin ang bagong wika ng teknolohiya at internet, at pag-aralan ang pambihirang halina nito sa madla. Bilang isang tagamasid, marami akong napansing silbi ng blog. Ang blog ay maaaring ehersisyo ng paghuhubad, at malaya [...]

Epiko at Radyo

Isa ako sa mga paslit noong dekada 70 na lumaki sa halina ng radyo. Hindi pa uso noon ang ipod, kompiyuter, selfon, at internet, dahil noong 1981 lamang ilulunsad ng IBM ang PC (Personal Computer) nito. Dekada 70 ang magluluwal ng mabibilis na pangyayari sa paglalakbay sa kalawakang pangungunahan ng Skylab; ang maghahatid ng pagkakatuklas [...]

Romanza ni Marivic

Liberal ang pananaw ng nakararami hinggil sa tula, at ang pakahulugan ng isang bagay ay hindi mananatiling estatiko sa habang panahon. Ang “tula” ngayon ay hindi na katulad ng dating kaugnay ng bayan, at siyang ginagamit sa pagpapahayag upang pagbuklurin ang mga mamamayan. Ang tula ngayon ay naghunos na pansariling instrumento na magagamit sa paggigiit [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers