Posted on Marso 30, 2008 by Roberto Añonuevo
Napagdiskitahan kong titigan muli ang Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Cahariang Albania (1861) ni Francisco (Balagtas) Baltazar noong nakaraang linggo. Kung pagtitiwalaan ang sinabi ni Hermenegildo Cruz, ang nasabing awit ay unang inilimbag noong 1838 ngunit sa kasamaang palad ay hindi na matagpuan ang nasabing edisyon. Ipinagdiriwang ngayong taon ang masasabing ika-170 [...]
Inihanay sa: Kritika, Makatang Filipino, Roberto T. Añonuevo, Tulang Filipino, Wikang Filipino, kritiko, mga manunulat na Filipino, panitikang Filipino, panitikang Tagalog, sanaysay | Minarkahan: Tagalog, panitikang Filipino, kritiko, tula, Tulang Tagalog, Kritika, sanaysay, panitikan, panitikang Tagalog, kasaysayan, mitolohiya, Florante at Laura, Francisco Balagtas, kudeta | Leave a Comment »
Posted on Marso 26, 2008 by Roberto Añonuevo
Plahiyo ang taguri sa tandisang pangongopya—o sabihin nang pagnanakaw—ng isang akda upang palabasing sinulat mo iyon nang wala man lang pagkilala o pagsipi sa orihinal na awtor at pagkakitaan ang naturang akda pagkaraan. Ang ganitong kalakaran ay laganap sa internet, ngunit hindi ako magtutuon doon. Gagawin kong halimbawa ang isang sangguniang aklat na lumalaganap sa [...]
Inihanay sa: Kritika, Wikang Filipino, aklat-suri, panitikang Filipino | Minarkahan: Bulakan, edukasyon, Filipino, komunikasyon, pangongopya, plagiarism, plahiyo, sining ng komunikasyon, teksbuk, unibersidad, wika, Wikang Filipino | Leave a Comment »
Posted on Marso 25, 2008 by Roberto Añonuevo
Binasa kong muli ang Kahapon, Ngayon, at Bukas (Larawan ng Bayan) na mahabang tulang pasalaysay ni Aurelio Tolentino noong nakaraang linggo. Nalathala ang munting aklat noong Setyembre 1913, at mula sa Limbagang Tolentino na may tanggapang nasa San Nicolas, Maynila.
Ang totoo’y nakasaad sa dahong pambungad na “novelang Tagalog” ang akda, ngunit nakasaad naman sa ilalim [...]
Inihanay sa: Kritika, Makatang Filipino, Roberto T. Añonuevo, Tulang Filipino, kritiko, mga manunulat na Filipino, panitikang Filipino, panitikang Tagalog, sanaysay | Minarkahan: epikong bayan, Filipino, himagsikan, Kamatayan, kaunlaran, Kritika, panitikang Filipino, resureksiyon, sanaysay, Tulang Filipino, Tulang Tagalog | Leave a Comment »
Posted on Marso 20, 2008 by Roberto Añonuevo
Isang tula, na pinamagatang “Propaganda ng mga insurekto ng himagsikan sa Kastila” ang nalathala sa Pagsasarili noong 1947. Ang Pagsasarili, na kombinasyon ng kalendaryo at almanake, ay hinalaw at sinulat ni G. Mamerto Tianco. May 84 pahina ang nasabing lathalain, at ang maganda’y may lahok doong dagli, dula-dulaan, sanaysay, balita, kawikaan, bugtong, kalendaryo, almanake, aliwan, [...]
Inihanay sa: Kritika, Makatang Filipino, panitikang Filipino, panitikang Tagalog, sanaysay | Minarkahan: himagsikan, insurekto, Kamatayan, karapatan, propaganda, tula, Tulang Tagalog | 1 Puna »
Posted on Marso 17, 2008 by Roberto Añonuevo
Makabubuting pag-aralan ng Kongreso kung karapat-dapat pakinggan si Kgg. Ricardo Nolasco, ang kasalukuyang tumatayong punong komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Sa websayt nitong Komisyon sa Wikang Filipino, iniulat na naninidigan umano ang nasabing ahensiya “ng opisyal na posisyon sa pagkakaroon ng bagong patakarang pangwika sa ilalim ng Panukalang Batas” na magkakahiwalay na ipinanukala nina Luis [...]
Inihanay sa: Kritika, Wikang Filipino, bali-balita | Minarkahan: pambansang wika, patakarang biligguwalismo, Wikang Filipino | 1 Puna »
Posted on Marso 14, 2008 by Roberto Añonuevo
Nakatimo nang mariin sa panitikang-bayan ng Filipinas ang hulagway at anino ng ibon noong una pa man. Ayon sa mga alamat, nalikha umano ang kapuluan natin dahil sa isang ibong nagngangalang Manaul, na pinag-away at pagkaraan ay pinagbati muli ang langit at tubigan upang mailatag ang kalupaan. Ibon ang sanhi kung bakit iniluwal ng buhô [...]
Inihanay sa: Kritika, Makatang Filipino, Roberto T. Añonuevo, Tulang Filipino, mga manunulat na Filipino, panitikang Filipino, sanaysay | Minarkahan: Adarna, awiting bayan, hulagway, Ibon, kalayaan, kawikaan, manok, pahiwatig, talinghaga, tanaga, tayutay, Tulang Filipino | Leave a Comment »
Posted on Marso 11, 2008 by Roberto Añonuevo
Kung gaano kasumpa-sumpa ang pamunuan ng Komisyon sa Wikang Filipino ngayon, kapuri-puri naman ang pamunuan ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1947-1950 dahil malaki ang malasakit nito na payamanin hindi lamang ang pambansang wika bagkus maging ang panitikang Filipinas. Bumuo ito ng lupon na kinabibilangan ng mga panitikero, manunulat, editor, kritiko, at dalubwika na nagsikap [...]
Inihanay sa: Wikang Filipino, panitikang Filipino, panitikang Tagalog | Minarkahan: Kritika, kritisismo, panitikan, panitikang Filipino, termino, Wikang Filipino | 1 Puna »
Posted on Marso 10, 2008 by Roberto Añonuevo
Malaki ang naging impluwensiya ng balagtasan sa buhay ng mga Filipino noon, dahil sa unang pagkakataon ay nasilayan sa entablado ang paligsahan sa pagtula at pangangatwiran ng dalawang makata. Ang balagtasan, na hango sa pangalan ni Francisco Balagtas, ay lumitaw noong 1924, at lumunsad sa dating popular na duplo. Pinakatanyag sa lahat ang pares na [...]
Inihanay sa: Wikang Filipino, mga manunulat na Filipino, panitikang Filipino, panitikang Tagalog | Minarkahan: balagtasan, batute, batutian, Filipino, katwiran, panitikang Filipino, tula, Tulang Filipino, Tulang Tagalog, wika | Leave a Comment »
Posted on Marso 6, 2008 by Roberto Añonuevo
Mayayanig sa darating na linggo ang buong mundo sa oras na maglaban sa ibabaw ng lona sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Hihinto sa trabaho ang mga karaniwang tao, uupo sa harap ng telebisyon o sa tabi ng radyo, at habang ngumangata ng sitsirya o tumotoma ng serbesa ay magpapalitan ng maaanghang ng [...]
Inihanay sa: Kritika, Laro, sanaysay | Minarkahan: boksing, Filipino, Marquez, Pacquiao, pambansang kamao | 3 Puna »
Posted on Marso 4, 2008 by Roberto Añonuevo
Hinuhubog ng mga kakatwang pamahiin at kagila-gilalas na hula ang pagkatao ng sinumang handang maniwala, at maibibilang dito ang mga Filipino na haling na haling sa mga ipinahihiwatig ng orakulo, bituin, baraha, at simoy.
Mahaba ang ugat ng gayong paniniwala, at isa na rito ang dahilang may mga bagay o pangyayaring walang ganap na kontrol ang [...]
Inihanay sa: Kritika, Wikang Filipino, panitikang Filipino, sanaysay | Minarkahan: Filipino, hula, kaligiran, Manghuhula, orakulong Tagalog, pahiwatig, panahon | 1 Puna »