Kung ang hangin ay maghuhunos na bato, paano uunawain ang magiging paglipad ko? Maaaring ang bato’y kusang makalulutang, at maipupukol ang sarili kung saan-saan. Makalulundag ang bato pabulusok sa lawa, at hindi na pambihira ang tsunami o baha. Makakabangga ng bato ang iba pang bato, at sa pagsasanib nito’y mahihiya ang bagyo. [...]
Filed under: Roberto T. Añonuevo,Tulang Filipino | Minarkahan: Bato,Buhay,Hangin,Kamatayan | Mag-iwan ng Puna »
